#10 Commandments

18 0 0
                                    

Health is wealth. Tama. Dapat natin pangalagaan ang ating kalusugan. Bawal magkasakit, sabi nga ni John Lloyd. Dapat din daw sundin ang Ten Kumain-dments sabi sa T.V. commercial.

Ang taba siguro ng utak ng nakaisip ng gimik na yun. Ang sampung utos sa pagkain ay nakasulat pa sa dalawang tinapay. Gayang gaya ni Father si Moses eh. Ang galing.

Sa mga hindi nakakakilala kay Moses, siya lang naman ang humati sa dagat na pula at nag dala ng Ten Commandments galing sa bundok. Panuorin mo yung movie niya. Ang galing.

Isa lang ang downside ng palabas. Yung special effects niya ang pangit. Ano bang aasahan ko sa isang palabas na mas matanda pa sa akin. Pero kahit ganunman. Isa lang masasabi ko. Ang galing.

Walang Kwentang Kwento KoWhere stories live. Discover now