#48 Plastic

11 0 0
                                    

Masarap pala ako magluto, hindi ko inaasahan na may talento pala ako sa cooking. Pero hindi natin paguusapan ang tungkol dun, bagkus ay paguusapan natin ang unli rice crisis sa pilipinas. Medyo malalim yung salitang bagkus.

Marami nanamang keyboard paladins ang nagiingay sa social media, sa Facebook Realm specifically. Mga kung anu ano ang mga pinagsasabi, akala mo naman maaapektuhan sila. Nakikisabay lang naman sila sa mainstream "shits". Hindi ko sila masisisi.

Dahil may pakialam sila sa nangyayari sa pilipinas, pero puro lang naman dakdak. Hindi naman ako naapektuhan dahil hindi naman ako mahilig sa unli rice, pero malakas ako kumain ng kanin. Well, at least bago yung kabanata anim. Hindi mo ko masisisi.

Masarap naman kasi ang kanin, pero hinayhinay lang. Parang yung pagmamahal mo sa isang tao, hindi na ako magiging specific kung sino. Oo, masarap nga pero ingat ka at baka plastic yan. Nasa saiyo parin yan. Hindi kita masisisi.

Chegaste ao fim dos capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Jun 19, 2017 ⏰

Adiciona esta história à tua Biblioteca para receberes notificações de novos capítulos!

Walang Kwentang Kwento KoOnde as histórias ganham vida. Descobre agora