#29 Partner

7 0 0
                                    

Oo, ako na, ako na ang pinakasexy. Ako na rin ang pinakagwapo sa buong galaxy at ang pinakamabangong lalaki sa balat ng sibuyas este ng mundo. Lahat ng iyan ay pangarap kong sabihin pag nagkatotoo na ang lahat ng iyan.

Sobrang taas ng aking pangarap kung iisipin pero wala namang imposible pagdating sa Diyos diba? Sa Diyos wala, pero pagdating sa akin, sabihin nalang nating hindi posible. Hindi pa ako nawawalan ng pagasa.

Kahit kamukha ko pa ang pinakapangit na ugali ng isang tao, hinding hindi ako susuko. Magkakatotoo ang mga pangarap ko. Sabi nila, walang mapapala ang taong sumusuko, kahit mamatay ka pa, wag susuko. Kaya ako, hindi pa ako nawawalan ng pagasa.

Kaya kayo diyan na nawawalan na nag pagasa, wag kayong susuko. Darating ang panahon na magkakaasawa ka din. Pero kung destiny mo na ang hindi magkaroon ng partner for life, just accept it. Basta ako, hindi pa ako nawawalan ng pagasa.

Walang Kwentang Kwento KoWhere stories live. Discover now