#32 Retarded

7 0 0
                                    

Kailangan kong bawiin ang nawalang apat na kabanata. Kailangan kong bawiin ang nawalang oras ng aking buhay. Dahil ilang oras nalang ay mawawala na ako sa mundo kinalalagyan ko. Ayokong mawalan ng saysay ang mga nagawa ko na.

Parang isang paru paro na desperadong makahanap ng bulaklak na sisipsipin, ganun ako ka desperado. Habang ang iba ay nagpapakasasa sa yamang ninakaw, ang mga katulad kong nakahilata lang sa banig ay hindi naranasang makahiga sa kutson. Malupit ang mundo.

Hindi ko man hilingin sa wish ko lang ang mga pangarap ng mga taong walang wala, mayroong isang tao ang handang tumulong sa mga kapwa niya bandido sa bohol. Ngunit siya ay nahuli kasama ang kinakasamang pulis na hindi naman kagandahan. Malupit ang mundo.

Ganun sana tayong lahat, nagtutulungan sa oras ng kagipitan. Handang tumulong sa mga taong kailangang bawiin ang nawalang kabanata ng kanyang buhay. Sana maintindihan niyo ang mga pinagsusulat ko dito. Mabait ako ngunit, malupit ang mundo.

Walang Kwentang Kwento KoWhere stories live. Discover now