#39 Bankrupt

11 0 0
                                    

Pwede palang basahin ang sariling mong gawa at kasama yun sa bilang ng views. Nagupdate kasi ang app kaya nalito ako, aksidente kong naview ang kwento as a reader kaya may dalawang views na ito. Pwede kong iview hanggang umabot ng 1k views!

Syempre hindi ko gagawin yon. Honest to. Walang daya, tsaka busy ako eh. Nanonood ako ngayon ng t.v. at wala akong oras para sa mga ganyan. Wala rin namang akong internet, hindi ako mayaman para magpakabit ng internet. Via mobile data lang. Para akong pulubi.

Para bang lamok na hindi nakahigop ng sariwang dugo ng ilang linggo, ganun ang nararanasan ko ngayon. One week na walang internet. Hindi katulad ng mga mainstream wattpad writers dyan, may internet na, may pc pa. Sa smartphone lang ako nagtatype, ganun kalupit ang mundo. Para akong pulubi.

At para sa last paragraph, meron akong iaannounce. Next issue ay 40 na, obvious naman eh. Medyo mahaba na kung iisipin pero kulang parin. Malapit na akong mauubusan ng ideya. Minsan nga, gusto kong maglasing para makaisip ng shitty ideas para maitype dito. Malapit ng mabankrupt ang utak ko. Para akong pulubi.

Walang Kwentang Kwento KoWhere stories live. Discover now