#35 Puwang

9 0 0
                                    

Kung papipiliin ka sa dalawa, ano ang pipiliin mo? Yung mahal mo? O yung mahal ka? Alam mo na ang sagot sa tanong ko. Pero kung hindi mo pa alam ang sagot at nahihirapan ka pang pumili, Wag kang magalala. Mahahanap mo rin ang sagot sa tamang panahon.

Mahirap talagang pumili lalo na kung pareho silang may puwang sa puso mo. Swerte mo lang at may tutulong sayo, ako syempre. Kung gagamitin mong halimbawa ang Oreo at Cream-O, madali ka nalang makakapagdesisyon. Bakit hindi mo subukan? Ganun lang.

Sabihin na nating si Oreo ang mahal mo, kahit mahal ang presyo ay bibilhin mo parin kasi mas sikat siya kaysa kay Cream-O. Si Cream-O naman ang may gusto sayo. Mas pinili niyang maging mura para lang sayo, ayaw ka niya kasing mahirapan sa buhay. Naiintindihan mo ba? Ganun lang.

Sa mata ng isang mamimili, syempre pipiliin niya kung saan hindi siya matatalo. Eh ikaw? Ano ang pipiliin mo? Gagayahin mo ba ang mamimili? O pipiliin mo ang maging tanga? Kung ako ang tatanungin, nahanap ko na ang sagot. Pinili ko ang mahal ko kasi Certified Cream-Oholic ako. Ganun lang.

Walang Kwentang Kwento KoWhere stories live. Discover now