#28 ABKD

6 0 0
                                    

Ang mabuting tao ay kailanman hindi gagawa ng masama sa kapwa niya tao. Ang masamang tao ay kailanman hindi gagawa ng mabuti sa kapwa niya tao. Ang mga nakasaad diyan ay pawang mga kasinungalingan lamang.

Bakit kailangang maghirap ng ibang tao habang ang iba ay nagpapakasarap? Bakit kailangang magpakasarap ng ibang tao habang ang iba ay naghihirap? Balanse ng mundo ang tawag diyan, kaibigan.

Kahit ano pa ang dumating na problema sa atin ay kaya nating lagpasan. Kahit minsan ay nawawalan na tayo ng pag asa sa mga kinakaharap nating unos. Kailangan mong patatagin ang iyong sarili, kaibigan.

Darating ang panahon kung saan tayo ay mamamatay, sa katandaan man o biglaan, ang mahalaga ay may nagawa tayong hindi nila malilimutan. Dahil sa panahon na wala na tayo sa mundong ibabaw, magiiwan tayo ng mga alaala sa mga taong naiwan natin, kaibigan.

Walang Kwentang Kwento Koजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें