#40 Lies

8 0 0
                                    

Eto na nga bang sinasabi ko eh. Natuluyan na talaga. Tuluyan ng na bankrupt ang isip ko, wala na akong ideya. Isa lang ang ibig sabihin nyan, dito na magtatapos ang Walang Kwentang Kwento Ko. Sa tingin ko ito na ang huling chapter.

Nakakalungkot mang isipin pero hindi naman talaga nakakalungkot kung iisipin. Magulo diba? Oo, parang yung bagong batas ng bansa. Tama ka, yung anti distraction driving law nga. Nonsense diba?

Parang yung kwento na ito, kung matatawag nga bang kwento ito. Nakakabwisit lang, kasi paano na yung mga taxi drivers wannabe na gumagamit ng smartphone bilang global positioning something. Di ko maalala yung S sa GPS. Nonsense diba?

Pero ok narin siguro yun. Blessing in disguise ika nga. Mawawala na rin yung mga kakompetensya ng taxi drivers. Wala ng dagdag sa traffic, mga amateurs taxi driver wannabes. Just kidding, wala talagang kwenta ang batas na iyon. Nonsense diba?

Walang Kwentang Kwento KoΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα