Chapter 3 ♥ Private Life

745K 9.8K 1.7K
                                    

 Chelsea POV

Panibagong araw. Si Kyle pumasok na sa work. Sa kompanya nila. Ang kambal tulog pa sa kwarto namin.

Naaalala ko kagabi, hindi ko alam kung matatawa ako o hindi sa itsura ni Kyle. Inis na inis sa kambal eh. Haha. Kasi naman. Muntik ng..alam nyo na. Tapos biglang um-entra yung kambal. Haha. Nabitin tuloy si Kyle.

Andito ako sa kusina, minsan ako nagluluto ng breakfast para kay Kyle. Mas gusto daw nya luto ko kesa chef dito. Diba nga may sarili silang chef dito. Psh.

Nag-aayos lang ako dito sa kusina. Kasi kakaalis lang din ni Kyle kani-kanina.

"Sissssss!!"

Si Mandy nakakabingi. "Oh sis, naligaw ka?" Sinalubong ko sya. Ganyan na yan. Diretso pasok sa loob ng mansyon. Hindi naman yan iba sa'kin. Sis na nga tawagan namin. Haha.

Engage na nga pala yan. Hulaan nyo sinong groom?

Tandararan!

No other than but Ken ng Tigers.

Pero syempre joke lang yun. E'di napatay yun ni James. Haha. Oo si James. Kaso ang alam ko, nasa Korea ngayon si James for business trips. Sabi ko naman, busy na talaga sila sa mga works nila.

"Namiss ko yung kambal eh. Saka nabo-boring ako sa mansyon. Natatamad naman akong pumuntang company. Ewan ko ba. Parang wala akong energy kapag wala dito si James."

Awtsu. Nakerengkeng. "Ibig sabihin, energizer mo si James ganon?" Biro ko.

"Exactly!"

Kita mo 'to. Aminado. In love talaga. Haha. Parang dati lagi silang away-bati nyan. Dinaig pa nga ang aso't pusa. Tapos ngayon, grabe. Ang masasabi ko lang, masyado silang attached sa isa't isa.

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon