Chapter 18 ♥ Future

563K 8.4K 1.2K
                                    

Chelsea POV

Huwwwaaat? Si Riana daw ay future wife niya? Jusko ang anak ko, ilang taon palang, pumu-future na.

Natawa nalang kami ni Janna. Mga bata talaga sa panahon ngayon, iba na isip eh.

"Don't laught at me Mom, Tita Janna. I'm serious. That's why from now on, I will protect her."

 

O_O

Parang may naaalala ako sa mga line na 'yan ni Skyler. Protect her?

=_=

Line yun ng daddy niya dati sa'kin. May pinagmanahan talaga. Kabata-bata pa, binabakuran na agad. Talaga naman oh. "Fine baby, go to your room now okay? Let baby Riana sleep." Sabi ko.

"Okay Mom. Tita Janna, take care of Riana. We're getting married in the future. Goodnight." Sabi ni Skyler saka tumakbo na palabas ng kwarto.

"What the.."

"Nakakatuwa naman si Baby Skyler. Gusto niyang pakasalan si Riana. Haha. Ipakasal na nga natin."

=_=

Baliw talaga 'tong si Janna. "Baliw ka talaga. Ang bata-bata pa kaya nila."

Lalong tumawa si Janna. "I was just kidding. I'm sure naman nasasabi lang 'yan ni Sky ngayon but then, mawawala din 'yan paglaki nila."

Sabagay tama si Janna. Para lang 'yang laruan eh, sa una gustung-gusto pero habang tumatagal, kapag may nakita na siyang mas magndang laruan, hindi na niya papansin yung dati niyang laruan. Parang ganon.

"By the way, iche-check ko lang si Chylee. Ikaw, dito ka na?" Tanong ko.

"Yeah. Si Adrian at Kyle, siguradong paakyat na rin ang mga 'yun. Medyo lasing na kanina eh." Sabi nya.

"Oo nga. Check ko nalang din sila mamaya sa baba. Pa'no, goodnight. Na-miss talaga kita best at masaya ako na nandito na kayo ulit."

"Same to you best." Nakangiting sabi niya.

"Labas nako." Sabi ko saka tumalikod na upang lumabas. Nakasalubong ko sa hallway si Kyle at Adrian.

"Lasing na'ko baby ko.." Sabi ni Kyle saka bigla akong niyakap.

"Lasing na yang si Kyle. Ako hilo lang. Nasa loob na si Janna?" Tanong ni Adrian.

"Oo pumasok ka na lang dyan." Sagot ko.

"Sige goodnight.." Sabi nya bago pumasok ng kwarto.

MPMMN 3: Together ForeverWhere stories live. Discover now