Chapter 34 ❤ Good & Bad News

375K 7.5K 529
                                    

Kyle POV

"What do you want to hear first? The good news or bad news?" Tanong ng doctor.

Kinakabahan ako sa maaari naming malaman tungkol sa kalagayan ng kambal. Natatakot ako. Hanggat maaari ayokong makakarinig ng bad news. Pero reality ito, sinabi na ng doctor na may bad news. Parang ayokong marinig, parang ayokong malaman.

Si Chelsea. Ang asawa ko. Alam kong natatakot na sya sa maaaring marinig nami muna sa doctor. Wala pa man, umiiyak na sya. Ayokong marinig nya ang sasabihin ng doctor. Ayoko..

"Good news." Sabi ko.

Niyakap ko si Chelsea at inalo. Nakatutok lang ang tingin ko sa doctor. Sana ang good news na sasaihin ng doctor ay makakapagpagaan ng loob namin. Sina James at Mandy, nasa mukha din nila ang pag-aalala. Masyado ng marami ang napasaya ng kambal. Marami silang napapangiti kahit may pagka-pilosopo at makulit sila.

Si Chylee, okay lang na mag-ingay sya palagi sa mansyon. Kahit bulabugin nya lage ang pagtulog ko, ayos lang. Basta maging ligtas lang siya.

Si Skyler, ayos lang na napagsasabihan nya ako ng nakaka-nosebleed na explanation, basta maging ligtas lang din sya.

Miss na miss ko na ang kambal ko. Miss na miss ko na ang mga tawanang bumabalot sa buong mansyon. Nami-miss ko na ang ngiti ng asawa ko habang pinapanood ang kambal. Miss na miss ko na ang lahat. Sana bumalik na ang lahat sa normal.

"Well, the good news is. Chylee's surgery is successful. She's cured and she's safe now."

Fvck. Thanks God! Ligtas na si Chylee. "Baby ko, ligtas si Chylee." Naluluhang sabi ko kay Chelsea.

"Gummy bear..thanks God."

Fvck. Napatigil ako nang may ma-realize. Si Chylee lang ang successful ang surgery. Ibig sabihin ba..

Ang badnews ba..

FVCK. No. Sana mali ang iniisip ko. Hindi pwede. Hindi ako makakapayag. Iba ang pakiramdam ko sa bad news kaya tumingin ako kay Mandy.

"Pakisamahan muna si Chelsea sa chapel." Yung tingin ko sa kanya, siguro naman mage-gets nya. Ayokong marinig ni Chelsea ang bad news. Ako nalang muna bago ko sabihin sa kanya. Ayoko syang mabigla kung ano man yung bad news.

"Pero gummy bear, hindi ko pa naririnig yung badnews.."

"Sshhh. Baby ko, you should pray. Pray for our twins. Sasabihin ko nalang sayo mamaya kung anong bad news. Please?"

Umiiyak sya habang nakatingin saken. "O-okay. Pero sabihin mo saken, ligtas din naman si Skyler di ba?"

Tumango ako habang tumutulo ang luha ko. "Sige na.."

Inalalayan na sya ni Mandy. Naiwan kami ni James dito. Fvck. Parang ayoko marinig ang badnews. Ayokong maging negative pero hindi ko maiwasan. Si Chylee lang ang sinabing successful. So ang ibig sabihin nga, si Skyler hindi successful? No. It can't be. Hindi ako makakapayag. Handa kong ubusin lahat ng yaman ko para sa ikagagaling ng kambal ko. Sila ang pinakamahalaga saken. Sila lang, ang pamilya ko.

"What is the bad news." Buong lakas kong tanong.

Matapang ako pero sa ganitong pagkakataon, pakiramdam ko, nanghihina na ang tuhod ko.

"Okay. It is all about Skyler's condition. The surgery was successful but.."

Shit. "But what?"

Natatakot na ako sa maririnig ko. God, please guide my twins.

"Skyler's condition requires multiple surgeries to restore circulation back to normal.  Even if he's safe now, he still needs medication, as well as Chylee. They need diuretics, which aid the body in eliminating water, salts and digoxin for strengthening the contraction of heart. You have to monitor their foods. I will give you the list of foods they need to avoid together with their medicines. Congratulations. Your twins is really strong." Umalis na ang doctor.

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon