Chapter 35 ❤ Together, forever

417K 9.4K 1.5K
                                    

[Philippines]

Chelsea POV

At last, we're here at the Philippines. Masaya kaming umuwi dito dahil magandang balita ang dala namin.

Sinundo kami ng driver dito sa platform area ng Shin-Woo Family kung saan lumapag ang private plane na pag-aari din ng pamilya ni Kyle.

Sumama muna samen sina Mandy at James pauwi ng mansyon. Tinatawagan na ni Kyle ang mga Tigers ngayon habang lulan kami ng sasakyan. Pinapunta nya sila sa mansyon para magkaroon ng mini party. Kanina pa tumawag si Kyle sa mansyon at nagpahanda na.

Ang kambal natutulog dito sa sasakyan. Kailangan pa rin nila ng pahinga kahit papaano.

"Baby ko, handa na daw ang lahat sa mansyon." Sabi ni Kyle.

Ngumiti ako. "Siguradong matutuwa ang kambal pag-uwi natin. Nandon na daw ang Tigers?"

"Oo. Sila ang inutusan kong mag-ayos sa mansyon."

=_=

"Sigurado ka?" Ang tigers ang gumawa ng dekorasyon sa mansyon. Ano kayang ginawa ng mga yun.

"Yeah. Alam nilang malalagot sila sa akin pag kagaguhan lang ang ginawa nila kaya siguradong maayos yun."

Harsh pa din si Kyle lalo na pagdating sa Tigers. Kung sabagay, sanay na silang lahat sa ugali ni Kyle. Yan na siya mula pa dati. Kahit nung una ko siyang makilala, harsh na talaga sya. Ang nagbago lang ngayon, naging sweet, mapagmahal at naging responsable na sya lalo na sa aming mag-i-ina nya.

"Takot nalang sayo ng Tigers. Ako lang yata hindi takot sayo Kyle." Singit ni James.

"Sus. Nagmayabang ka na naman. Pa-ABS ka muna James." Pang-aasar ni Mandy.

Natawa nalang ako sa kanila at tiningnan ko ang kambal na payapang natutulog. Habang lumalaki sila, mas nagiging kamukha nila kami ni Kyle. At sa mga ugaling meron sila, hindi maipagkakailang anak namin sila ni Kyle Shin-Woo.

--

[Shin-Woo Mansion]

"WELCOME HOME BABY CHY AND SKY!"

Kasunod ng sigaw na iyon ang tunog ng party poppers. Nakahilera ang Tigers at sinalubong kami dito sa may garden. Hindi maitatago ang ngiti sa labi ng kambal.

Bukod sa Tigers narito din sina Janna at Riana. At..

O____O

"TWINSIS?!"

"LANCE?!"

Nagkasabay pa kami ni Kyle nang mapansin ang super cute na family na katabi nina Janna.

"Bro, andito na kayo ni Yumi sa Pinas!?" Si James nagulat din.

"Wala. Nasa Japan pa kami James. Nananaginip kalang. Tch."

=__=

Tatak Abellano yan eh. Harsh kung harsh. Haha. Pilosopo pa.

"Tito Lance!" Sigaw ni Sky na ngiting-ngiti. Sinalubong sya ni Lance at kinarga.

"How are you little boy?" Tanong ni Lance kay Sky na ginulo-gulo pa ang buhok.

"Tch. I'm not a little boy. I grown up already."

Sige. May nakuha talaga si Skyler kay Lance eh.

"Haha." Natawa nalang si Lance. Sila talaga ang nagkakasundo ni Skyler eh.

Sinalubong na rin ako ni Yumiko at niyakap ako. "Twinsis, na-miss ko kayo."

"Kelan pa kayo umuwi? Di man lang kayo nagsabi?"

MPMMN 3: Together ForeverWhere stories live. Discover now