Chapter 12 ♥ Misunderstanding

604K 8.1K 499
                                    

Chelsea POV

Umaga na. Wala akong balak imikin si Kyle. Nakahiga pa din ako. Nakatagilid at nakatalikod sa kanya.

Nang makita ko yung kissmark kagabi sa leeg nya, nag-init talaga ang dugo ko. Gusto kong alamin pero alam kong 'diko makakausap si Kyle ng maayos dahil sa kalasingan.

Pero syet kasi. Di ako matahimik. Niloloko ba'ko ni Kyle? May babae ba sya? Naiinis ako. Galit ako!

"Baby ko morning.." Narinig kong sabi ni Kyle nang maramdaman kong niyakap nya ako patalikod. "Sakit ng ulo ko baby ko.."

Sumakit ulo ha? For sure naman nag-enjoy yan kagabi sa kung sinumang babae ang kasama nya. Psh! Empleyado pala ha. Tapos uuwing may kissmark? Akala mo papansinin kita Kyle? Manigas ka dyan.

"Hm, baby ko.."

Diko pa din sya pinapansin. Bumangon na'ko. At dire-diretsong lumabas ng kwarto. Bahala si Kyle. Basta galit ako sa kanya. Niloloko nya ako. Aish!

Pinuntahan ko si Chy sa kwarto nya. As usual, sa pintuan, nandon si Jollibee statue nya. Tulog pa ang anak kong pinaglihi ko sa megaphone.

Sumunod na pinuntahan ko si Sky. Tulog pa din ang anak kong pinaglihi yata sa encyclopedia.

Lumabas na ako. Pupunta nalang akong kusina para ipaggawa ang kambal ng favorite sandwich nila.

Pababa na'ko ng hagdan nang makasalubong ko si Kyle. "Baby ko ba't 'di moko kinakausap kanina? Bigla ka nalang umalis ng kwarto. Ni hindi moko nilingon man lang."

 

Hindi ko pa rin sya pinansin. Tumuloy ako sa paglalakad pababa ng hagdan. Naramdaman kong 'di naman sumunod si Kyle.

"WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM!?" Sigaw ni Kyle. Problem ha? Baka ikaw Kyle meron.

Sawa na ba sya sa'kin? May babae talaga sya? Bakit? Dahil ba 'di ko sya pinagbigyan kahapon kaya naghanap sya ng iba? Syet. Sumasakit ulo ko sa pag-iisip. Limang taon na kaming kasal tapos ngayon pa nya maiisipang magloko? Damn him.

MPMMN 3: Together ForeverWhere stories live. Discover now