Special Chapter IV - Part 2

645K 10.8K 2.9K
                                    

Chelsea POV

"Janna, sure ka ba na dito muna ako sa mansyon nyo?"


Ngumiti si Janna. "Oo naman best. Di ako papayag na saktan ka ng asawa mo. Pepektusan ko talaga yun eh. Aba! Akalain mong nasa labas pa. Hindi daw sya aalis dun hangga't di kita nilalabas."

Naaawa naman ako kay Kyle. Nasa labas sya. Mali sya, nasaktan nya ako pero madaling lumambot ang puso ko pagdating sa kanya.

"Beb!"

O___O

Hala andyan na si Adrian. Napatayo kami ni Janna nang dumating dito sa salas si Adrian--mukhang galit.

"What the hell are you doing Janna? Bakit nasa labas si Kyle?! Sabi ng katulong, bawal daw papasukin?!"

"Beb kase nag-away sila ni Best. Sinaktan nya si Best kaya di ako papayag na makita nya si Best."

Tumingin sa'ken si Adrian. "Chelsea, sa tingin mo tama 'to? Mag-usap kayong mag-asawa. Hindi ganito. Fvck! Papapasukin ko si Kyle."

"Wag beb! Bestfriend ko ang pinoprotektahan ko dito!" Sigaw ni Janna.

"Pwes bestfriend ko din ang hindi mo pinapapasok sa pamamahay natin."

Hala. Mag-aaway pa sila nang dahil sa'ken. Di ako mapakali tuloy.

"Adrian, sorry.."

"Mag-usap kayong mag-asawa." Cold na sabi nya.

"Panira ka talaga ng plan, beb! Aish." Pagmamaktol ni Janna.

Wala pang isang saglit at nakapasok na si Kyle. Galing sa pag-iyak ang mga mata nya at mabilis na tumakbo sa'ken para yakapin ako.

"Baby ko..fvck! Sorry. I love you.."

Naiyak ako. Ano bang nangyari sa'men? Bat kami humahantong sa ganito? Kung kelang lima na ang anak namin.

"Kyle sinaktan mo ang bestfriend ko!" Sigaw ni Janna. "Sa tingin mo tama yun ha?"

"Beb! Wag mong sigawan ang bestfriend ko!" Sigaw naman ni Adrian.

"Ano? Kakampihan mo yang Kyle na yan kahit sinaktan nya si Chelsea?!"

"Hindi sa ganon!"

Bumitaw ako kay Kyle. "Ayoko sayo..ayoko na.." Umiiyak na sabi ko.

He cupped my cheeks and kiss my lips. "No, baby ko. I love you. You love me. We are happy family. With a great big hug and a kiss from me to you. Won't you say you love me too?"

Napatigil ako sa pag-iyak. Parang kanta ni barney yun ah?

Nag-angat ako ng tingin kina Janna at Adrian at..

O_O

Naka-costume na sila ng Dora and boots. Teka? Bat ang gulo? Binalik ko tingin ko kay Kyle at OWMAYGAD! Nakacostume na sya ng barney!

"Kyle?! Barney? Anong nangyari?!"

"Ako na si Barney!" Sigaw ni Kyle.

Shit! What's happening. Si Kyle barney na? Bakla na sya? No I kennat!

"AHHHHHHHHHHH!!!!!"

*boogsh*

"FVCK! Baby ko. Gising!"

Nagmulat ako ng mata ko. Nasa sahig ako, nakahiga at mukha ni Kyle ang bumungad sa'ken. Hindi na sya naka-barney costume.

MPMMN 3: Together ForeverWhere stories live. Discover now