Special Chapter IV - Part 1

321K 7.2K 1K
                                    

Chelsea POV

Ilang minuto na akong umiiyak habang pinagmamasdan ang papel na nakapatong sa kama namin. Hindi ko inisip na dadating ang araw na'to.

Annulment papers..

Masaya naman kami eh. Almost perfect ang pamilya namin pero humantong sa ganito dahil sa hindi pagkakaunawaan.

*door opens*

"Napirmahan mo na ba?" Cold na tanong ni Kyle habang nagtatanggal ng necktie.

Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita. "Kyle, gummy bear. Kailangan bang humantong sa ganito?" Umiiyak na tanong ko.

"Hindi mo na ako maintindihan 'diba? Lagi mo akong inaaway. You're being nagger kapag ginagabi ako ng uwi. Fvck! I'm busy at the company! Hindi naman 'yun para sa'ken kundi para sa pamilya natin! Kelan ka pa naging demanding ha?" Galit na sigaw nya.

Hindi ito maliit na away. Hindi..

"Kyle.."

"Mas mabuti pang gawin 'to. Nasasakal na ako, Chelsea. Pag-uuwi ko, sa halip na tanungin mo ako kung okay lang ako, kung kumusta ang company, iba ang tinatanong mo! Bakit ako ginabi? Sinong kasama ko? Sinong, fvck! Fvck!"

Lalo akong naiyak. Masama na ba 'yun ngayon? Di ko alam ang gagawin ko ngayon para mawala ang galit ni Kyle.

"Now, just sign that fvcking papers and I'll be free. Free from you, Chelsea."

"Kyle, isipin mo ang mga anak natin.."

"Sana inisip mo 'to bago ka naging ganyan! Fvck I can't take it anymore. Ayoko ng makasama ka pa. Mag-stay ka na sa isa sa hotel na pag-aari ng Shin-woo. Wag lang dito sa mansyon."

Pinapaalis na nya ako? Pinapaalis ako ni Kyle. "Ang mga bata.."

"Malalaki na sila. Maiintindihan nila na hinawalay na ang parents nila."

</3

Nawasak ang puso ko sa sinabi nya. Ganon lang kadali? "Kyle hindi.."

"Fvck! Sign that papers and get out of this room!" Sigaw nya.

Nasisindak ako. Natatakot ako. Si Kyle bihira lang syang magalit. Mabait sya, mapagmahal, perfect husband pero umabot na sya sa sukdulan nya. Hindi na nya ako kayang pakisamahan.

T_T

"Kyle mag-usap tayo ng maayos. Yung hindi ka sumisi--"

*PAKK!*

"I don't need your fvcking explanation. Tapos na. Huli na. Tama na 'to. Kailangan ko ng magpahinga. Umalis ka na."

Hawak ko ang pisngi ko na sinampal nya. Hindi ako makapaniwala na napagbuhatan nya ako ng kamay. Sa dami ng taon na nagsama kami, ngayon pa?

Lalo pa akong naiyak. "Gummy bear, I love you. Di na mauulit. Di na ako magde-demand. Di na ako magiging nagger.."

"It's late. So get out and try not to show your face to me again."

</3

Wala na. Wala na talaga. Ayaw na sa'ken ni Kyle. Ayaw na nya sa'ken.

Huminga ako ng malalim. "Kung yan ang gusto mo. Mukhang ayaw mo na talaga sa'ken. Sinaktan mo na ako emotionally, pati physical. Sawa ka na sa'ken.." Sabi ko at tinatagan ang sarili ko.

"Out."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Kinuha ko ang shoulder bag ko na nalapatong sa couch. Saka lumabas ng kwarto.

MPMMN 3: Together ForeverWhere stories live. Discover now