Chapter 11 ♥ Kiss Mark

653K 7.9K 356
                                    

Chelsea POV

Almost one hour na kaming nkatengga dito sa mansyon. One hour na din ang nakalipas nang makauwi kami dito sa Manila galing Batangas.

Yung natitirang dalawang araw namin sa Batangas, nilubos na namin. Puro swimming, party at kainan ang ginawa namin.

Sunday ngayon. Walang trabaho si Kyle. Anong ginagawa nya? Ayan nakadapa sa kama namin, tinitingnan sa laptop lahat ng pictures namin sa Batangas. Ang gaganda kasi ng kuha. Lalo na yung kaming pamilya. Ako, siya pati kambal. Magkakamukha talaga kami. Haha.

"Baby ko, upload ko na 'to sa facebook ko." Sabi ni Kyle.

"Sige lang." Sagot ko. Naka-sandal kasi ako dito sa headboard ng kama. Ang kambal? Nasa baba kalaro sina Tita Mandy nila at Tito James. Kaya ngayon, solo kami. Oh, wag kayong pink minded. Porke solo, 'yun' agad? Haha.

Nagkakalikot lang ako ng phone ko. Nagti-twitter. May nakita akong tweet.

Janna Ruiz @JannaRWattpad

Three weeks left. I really miss philippines.

Adrian Buenavista @AdrianBWattpad

Pag-uwi ko babanatan ko ng tig-iisa ang mga tigers. Na-miss ko ang mga gago.

Haha. Talagang sigurado na nga ang uwi nila. Nakaka-miss din sila. Saka 'di ko pa kaya nami-meet yung 2-year-old baby nila. Dun na kasi nanganak si Janna sa Canada eh. Nakikita ko lang picture ng baby nila sa FB.

Sina Yumiko at Lance sana umuwi na din pero I think matatagalan. Kasi malapit na manganak si Yumi at siguradong hindi naman sya pwedeng bumyahe agad pagkapanganak.

Hay. Naiisip ko ang college days namin. Nakaka-miss silang lahat.

"Baby ko okay na." Sabi ni Kyle.

Tumango lang ako sa kanya. Pero nagtaka ako bakit biglang kumunot noo nya.

"Problem? Parang tulala ka." Puna nya.

"Ah gummy bear, naaalala ko lang yung college days natin saka naiisip ko lang sina Janna at Yumiko." Sabi ko.

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon