Chapter 10 ♥ Twins Debate

658K 8.9K 1.5K
                                    

Chelsea POV

Pagkatapos ng madugong debate sa pagitan ni Sky at Oliver, nagising si Chy at yumakap agad sa'kin.

"Mommy I love you.." Sabi ni Chy habang nakayakap pa din sa'kin.

"I love you too baby." Nakangiting sagot ko. Kahit kasi gaano pa kakulit ang kambal o kaseryoso, still, sweet pa din sila sa amin ni Kyle.

"Kawawang Sky, 'di na love. Si Chy nalang ang love ni Mommy.."

=_=

Si Jerome nang-aasar. Napatingin ako kay Sky na masama na ang tingin kay Jerome. Sunod akong tumingin kay Kyle.

O_O

Parang handa ng manuntok si Kyle sa sama ng pagkakatingin kay Jerome. Haha.

"D-Daddy.." Si Sky paiyak na nakatingin kay Kyle tapos bigla ring lumapit kay Kyle saka yumakap.

"Gago ka Lee! Dun ka sa dagat. Maghanap ka ng syokoy ngayon din! 'Pag wala kang nadalang syokoy, ipapalamon kita ng buhay sa mga isda sa dagat!"

 

=_=

Seriously? Syokoy? Si Kyle talaga. Ayaw na ayaw talaga nyan na makitang umiiyak ang kambal. Naha-highblood agad yan.

"Captain naman." Napakamot ng ulo si Jerome.

"Jerome! Di mo na kelangang maghanap ng syokoy, ikaw lang sapat na. Hahahaha." Sabi ni Ken.

"Ulul!" Sagot ni Jerome.

"Mommy what is ulul?"

O_O

Ayan na naman si Chy. Bakit ba ang hilig nitong magtanong tapos sa'kin pa lagi. Aish. Tiningnan ko ng masama si Jerome. "Hoy Jerome! Ipaliwanag mo kay Chy kung ano yung ulul. Psh. Sinabi nang 'wag magsasalita ng bad words sa harap ng kambal."

 

"Ikaw Lee nakakapuro kana." Segunda ni Kyle.

MPMMN 3: Together ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon