// 1 : Love, Rain.

134K 1.7K 211
                                    

Love, Rain

 © Filipina Wattpad 2012

- - -

*ding~ dong*

Narinig ko ang tunog ng school bell namin. Ibig sabihin, konting oras na lang, mag uumpisa na kaming magklase. Kaya, bago ako pumasok ng room, pinuntahan ko muna ang locker ko para kunin yung worktext ko sa Math.

 

 

At, dun, nag umpisa ang lahat.

 

 

 

“If I were rain, 

That joins sky and earth that otherwise never touch,

Could I join two hearts as well?” 

{ Love, Rain } by Filipina Wattpad, 2012

 Genre: School Life, Romance, Drama

- - -

"Rina!"

Kenji's POV.

 

Hingal na hingal na sigaw ko ng matanawan ko si Rina. Tinakbo ko mula first floor to fourth floor eh, kaya nakakapagod. At isa pa, malapit lapit na rin mag time, ayokong ma-late.

"Yes, Kenji my loves?" - Rina na inaayos yung kanyang fake eyelashes.

Ako nga pala si Kenji. Kenji Ianna Candava. 16 years old, babae. Magiging kolehiyo na pagkatapos ng March. January kasi ngayon, at malapit lapit na rin ang graduation.

"May napili ka na bang school para sa college?"

Yun agad naitanong ko pagkaupo na pagkaupo ko sa tabi niya.

"Wala pa eh, pero sabi ni Motha, ay baka ipasok niya ako sa Star Magic, tho, ayoko."

(Short Story) Love, RainWhere stories live. Discover now