// 9 : After the Rain

21.8K 651 91
                                    

{ Love, Rain // 9 }

"Mama.. may field trip kami----"

"Wag ka na munang sumama ha? Si Ashley muna ha?"

Kenji's POV.

"Ok po."

Nagpatuloy na ako sa pagkain. Nasa bahay na ako. Nakapambahay na rin ako. At, kanina sa school, walang nakagawa ng Love Sign ko. Siguro maghihintay pa ko ng ilang days or weeks.

Biglang tumunog yung doorbell namin. Tumayo naman agad si Ashley at pinuntahan agad ang pinto. Sinalubong niya ng halik sa pisngi si Papa na galing sa trabaho. Binuhat naman ni Papa si Ashley habang napunta sa kusina at inaalis ang kurbata niya.

Umupo na rin si Papa sa hapag kainan para kumain. Tahimik lang naman akong kumakain.

Katunayan, kaya naman ako hindi nakakasama sa mga field trip ay dahil hindi sa ayaw ko. May katabi naman ako di ba? Ba't naman ako hindi sasama? Hindi ako nasama kasi lagi kaming may problema sa pera. At si Ashley lagi yung priority kasi top 3 siya.

Nung elementary ako, ako yung priority kasi top 2 ako nun. Pero dahil sinubukan kong pumasok sa isang mamahaling school na sobrang taas ng standards, hindi na sila nagalingan sa'kin kaya hindi na nila ako pinapriority. Isa pa, ang mahal na daw kasi ng tuition ko dun kaya wag na daw akong masyadong humingi ng mga bayarin.

Sana pala talaga hindi ako pumasok dun eh.

Pagkatapos kong kumain ay ako na ang naghugas dahil ako naman parati. Sila namang tatlo ay nanunuod ng TV sa may sala. May kalakasan yung volume kaya naririnig ko din.

"Magiging tag - ulan sa lalawigan ng CALABARZON lalo na sa lalawigan ng Batangas. Iminumungkahing magdala lagi ng payong bukas at sa mga susunod na araw."

Mag sisimula na palang mag tag - ulan huh? Edi maayos, marami rami ring signs ang tungkol sa ulan eh. Siguro dahil nung ginagawa ko yun, iniisip ko yung---

"Kenji, kenji!"

Narinig ko ang boses ni Papa na papalapit sa kusina. Buhat buhat pa rin si Ashley.

"O, bunso, sabihin kay Ate."

(Short Story) Love, RainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora