// 3 : Under the Rain

24.9K 717 29
                                    

{ Love, Rain // 3 }

"Ay ganun ga ho, ay sige ho, salamat ho"

Kenji's POV.

Parehas kaming nakatingin kay Mama habang binababa niya yung telepono.

"Wala daw sabi sa TB! Wala!!"

Napatingin kami kay Papa na kasalukuang inaalis yung kurbata ng kanyang damit.

"Pa, wala din kayong pasok?"

Yun naman ang naitanong ng aking bunsong kapatid. Elementary, Grade 4.

"O, matulog na ulit kayo."

"Yeaaaaaaahhhh!!"

Umupo ako sa upuan habang yung kapatid ko, tuwang tuwa na walang pasok. Walang pasok pero bakit di naman naulan? May signal ba talaga sa Batangas? Nagkamali na naman yata ang PAGASA, or maybe, sa ibang lugar, naulan.

"O Kenji, di ka na tutulog?"

"Hindi na Ma, gising na kasi diwa ko eh"

Pagkalipas ng isang minuto, napagpasiyahan kong pumunta sa kwarto ko. Tiningnan ko rin ang bintana namin, medyo madilim dilim pa kasi mga mag sisix pa lang. Humiga muna ako sa kama at pagkatapos siguro ng dalawang minuto ay bumangon na ulit ako.

Pupunta sana akong kusina para uminom ng gatas ng tumunog yung cellphone ko.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

From: Rina

myloves, ask ni Bryan number mo

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ah siguro dahil ng tutorial?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

From: Rina

close n ata kau ni Bryan ah =)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Ano ang ibig sabihin niyang yun? Lalo na sa "=)"?

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

To: Rina

tutor q kc d b??

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

From: Rina

alam koo, worked up =))

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

(Short Story) Love, RainWhere stories live. Discover now