// 15 : Summer Rain

20.1K 644 68
                                    

{ Love, Rain // 15 }

"The number you have dialed is temporarily not available. Please try again later."

Kenji's POV.

Inihagis ko sa kama ang cellphone ko. Nakaka walong ulit na yata ako o mahigit, pero yun at yun ang sinasabi. Nakakainis naman pag ganun!

Tinatawagan ko kasi yung number ni Rain. Na-flood ko na yata yung inbox niya pero walang reply kaya sinubukan kong tawagan, at yun nga, yun ang sinasabi nung babaeng hindi napapagod.

Wala rin namang tulong tong kapatid ko. Nung tinatanong ko sya kung anong itsura ng Kuya Rain niya, ang tanging sagot niya ay:

< "Maputi siya ate ^___^" >

At pag tinatanong ko kung ano pa, eto naman ang isasagot niya sa'kin:

< "Bagay kayo ate ^___^" >

*ding dong*

Agad akong tumayo at lumabas sa kwarto ko. Sinilip ko ang bintana at nakita ko si Mama. Agad kong kinuha yung susi at pinagbuksan siya. Kinuha ko naman yung mga dala ni Mama kasi sobrang dami.

"Anak, mag apply ka sa Jollibee ng summer job. May kakilala ako dun, hinihintay ka na lang!"

"Ha? E.. pano po si Ash?"

"Yung mga anak ng kaopisina ko, nasa opis din yung mga anak dahil maliliit pa din. Isasama ko na lang si Ash bukas. Ikaw, mag apply ka ha!"

- - -

< Kinabukasan >

"Ay! Ikaw ba ang anak ni Mrs. Marcelina Candava?"

"Opo."

"Sige, bukas na bukas din, mag sisimula ka na."

"Salamat po ng marami."

Nahihiya man ako'y lumabas na ako dun sa parang opisina. O, opisina nga yata.

Magsisimula na raw ako bukas. Ang bilis nga eh, pero ayos na rin yun, may pera na, may pagkain pa. At saka, wala naman akong gagawin sa bakasyon kundi ang pagtunganga. Ayos na rin yun para naman maisip ko na may kwenta akong tao.

(Short Story) Love, RainWhere stories live. Discover now