// 17 : Almost had you

19.6K 620 52
                                    

{ Love, Rain // 17 }

*ding dong*

Kenji's POV.

Nasa kwarto ako at binabasa yung papel kung san ko sinulat yung 7 love signs ko nung narinig ko yung pagtunog ng doorbell namin. Sabado ngayon, tuwing weekdays lang yung summer job ko.

"Ate ate!! Sina Ninang, nasa baba!!"

Napatingin din ako kay Ashley na tumatalon sa tapat ng pinto ko habang sinasabi iyon.

Tumayo ako at nagsuklay at bumaba na. Nagbless ako sa kanila. Lumabas naman ang ngiti sa mga labi ni Mama. Wala ngayon si Papa kasi may trabaho at mamaya pa uuwi. Dahil isa ako sa anak ay isa ako sa mga kumakausap sa kanila. Nagbabalitaan lang kami ng mga nangyari.

"Naku si Kenji! Maganda na eh! Anong kursong i-tatake niyan sa college? College na yan di ba?

Nakatingin si Tita kay Mama at halos sila ay inaabangan ang aking kurso sa college. Tinatanong rin nila kung san papasok at mga kung ano ano pa.

"Kenji, pumunta kayong tindahan ni Ash."

"Naku, wag na, kakakain lang namin!"

Kahit tumatanggi sila ay pinapunta kami sa tindahan ni Mama.

Naglalakad kami papuntang tindahan sa kabilang kalye. Malayo layo ito sa bahay namin. 2 pm pa lang kaya mainit at maraming tao. Never kaming makakapunta dito pag gabi. Lagi kasing may lasing at mga nagmumurahan dito eh. Nakakatakot, baka sa'min ibunton.

Malapit na kami sa harap nung tindahan nung matigilan ako dahil sa sinabi ni Ash.

"Ate ate, dala mo ba pera??"

Napatingin agad ako sa kanya. At alam na rin niya kung bakit.

"Ate naman ehhhhhhh T___T"

Nak naman ng tokwa. Kung kelan naman nandito na, dun ko pa natandaan!

"Babalik lang si ate, dito ka lang!"

"Ateeeee namaaaaaaan ehhhh!!"

(Short Story) Love, RainWhere stories live. Discover now