// 6 : Tears & Smile

22.8K 657 33
                                    

{ Love, Rain // 6 }

Kenji's POV.

Unti unti ng dumadami ang mga tao sa room. Papalapit na kasi mag time. At hindi na ako kumain. Iniisip ko na lang na mamayang lunch na lang ako kakain. Kaya, ngayon, hinihintay ko lang na magtime.

Nakatingin lang ako sa libro ko na para bang may binabasa pero sa totoo, wala naman talaga. Hindi ko man lang mabasa yung libro dahil sa hindi gumagana ang utak ko. Wala talagang pumapasok at tila ba yung mga paa ko, gusto ng umuwi.

Mamaya rin naman, dumating na sina Rina. Napatingin ako sa kanya habang nag tetext siya. Umupo na din siya sa silya at patuloy na nagtetext. Mamaya ay tumayo siya na dala yung bag niya. Napatingin tuloy ako sa kanya. Uuwi na siya?

"Rina, pasan ka?"

Hindi nasagot ni Rina ang tanong na yun dahil umalis na siya. Hindi man lang siya nagpaalam na dahilan ng pagtataka ng mga kaklase namin. Naglapitan tuloy sila sa'kin kung may nangyari daw ba sa'ming dalawa. Hindi naman ako sumagot dahil hindi ko alam kung meron nga ba.

Dumating na din naman sa wakas yung guro kaya nagbalikan yung mga kaklase ko sa kani-kanilang upuan. Nakatingin lang ako sa guro habang nagtuturo siya. Nung sinabihan niya kaming kumopya ng mga sinulat niya ay pinilit kong buksan ang aking bag at kunin ang ballpen para kumopya. Hindi ko na talaga kaya, gusto ko ng umuwi :(

Matapos ang English at Physics, tumunog na ang bell. At sa tanang high school life ko, ngayon ko lang nalaman na nakakatakot ang mga tunog nito. Yung tunog bang parang pinasisikip ang dibdib ko. Hindi ako makahinga, dahil, kakain akong mag isa.

< "Ba't ka nag iisa? Pwedeng patabi?" >

Habang isa isang tumatayo ang mga kaklase ko, nanatili akong nakaupo. Naalala ko ang isa sa mga hindi ko makakalimutan na pangyayari sa buhay ko. Dahil sa pangyayaring yun, naging masaya ako, nagkaron ng kaibigan at mga kaibigan, naging masaya. At dahil dun sa pangyayaring yun, nakilala ko si Rina. Si Rina na kauna unahang taong ngumiti sa akin nung pumasok ako dito sa katakot takot na paaralan na ito.

Habang nakikita ko silang nauubos sa room, unti unti kong nararamdaman ang mga naramdaman ko nung una akong pumasok sa paaralan na ito. Nakakatakot, na tila ba, kakainin na ako ng lupa. Katahimikan na unti unting binibingi ang mga tenga ko. At lamig, na maari na akong patayin.

Unti unting may nagpalibot sa aking mga mata na tubig na gustong gustong pumatak pero tumingin na lang ako sa taas para hindi ito matuloy. Hindi naman nga natuloy at dahil dun, tumayo na ako para pumunta ng canteen na mag isa.

- - -

(Short Story) Love, RainWhere stories live. Discover now