// 10 : Unpredictable

20.1K 586 46
                                    

{ Love, Rain // 10 }

"Kenji?"

Kenji's POV.

"Ah-uhm, Bryan.."

"Pwede bang humiram ng konting oras?"

Hindi ko maiwasang tumingin dun sa nakita kong payong na kulay blue. Possible kayang, nahuli siya? Possibe kayang dapat niya akong lapitan at bigyan din ng payong?

"Walang.. tao sa'min. Hindi ako pwedeng lumabas eh."

"Ah ganun ba..... Usap na lang tayo?"

"Ah.. sige.."

Umupo kami ni Bryan sa pinakamalapit naming nakitang mauupuan sa tapat ng bahay namin. Pagtingin ko sa kanya, nakatingala siya sa langit. Tiningnan ko rin ang langit.

"Ganda ng rainbow no?"

Nagagandahan din siya sa rainbow?

Pagtingin ko, nakatingin siya sa'kin. Hinihintay yata ang sagot ko.

"Ah, Mmm."

Nanuod lang kami ng mga tao na dumadaan sa tapat ng bahay namin. Hindi naman ako makapagsalita dahil wala naman akong maikwekwento eh. Hindi naman ako yung taong makwento at lalong lalo naman na hindi ako yung taong magsisimula ng topic.

"May.. nagugustuhan ka na ba?"

Pinapanuod ko yung batang babaeng nagbibike ng marinig ko yung sinabi niyang yun. Hindi naman ako makatingin sa kanya dahil nahihiya ako. At saka, hindi ko rin naman masagot yung tanong niya. Hindi ko alam eh.

- - -

Dali dali kong pinuntahan ang telephone namin. Tumutunog kasi.

"Ah Mama?"

"(Gagabihin kami ni Ash ha? Ikaw muna bahala sa bahay, wag kang aalis.)"

"Ok po."

"(Wag ka ding magkakalat dyan. Dadating si Papa mo mamaya, alam mo naman yun, ayaw ng magulo ang bahay.)

"Opo, sige po."

Wow, buti pa si Ashley, may nabili ng foods para sa field trip niya.

(Short Story) Love, RainWhere stories live. Discover now