// 14 : Graduation, Goodbye?

19.9K 609 58
                                    

{ Love, Rain // 14 }

"Cancino, Rina Angela P."

Kenji's POV.

Naririnig ko ang tugtog ng graduation march na sobrang lakas. Katabi ko si Mama at nasa hagdan kami ng entablado. Ako na kasi yung susunod na tatawagin.

"Candava, Kenji Iannah S."

Nagsimula na akong maglakad pauna para abutin ang aking diploma at makipag kamayan. Humarap ako sa mga tao para ilagay sa kaliwa ang tassel ng aking graduation cap at tumungo. Bumaba na ako sa entablado kasama si Mama.

Nakita ko si Rina na hinihintay ako sa kanyang upuan. Nakangiti siya sa'kin.

"Congrats sa'tin my loves!"

Nginitian ko siya. Humarap na siya sa unahan sapagkat kailangan naming hindi mag ingay habang hinihintay yung kalinya namin. Hindi kasi maaring umupo hanggang di pa kumpleto yung linya namin. At saka, nasa may unahan kami kaya bawal mag gagalaw.

Nung nakompleto na kami ay saka na kami umupo.

Hindi ako makapaniwala na masusuot ko tong graduation gown na to. Hindi dahil sa tingin ko ay uulit ako, pero isa ako sa mga dehado kaya naiisip ko rin yung mga bagay na yun. Buti na lang, sa tulong ni Bryan, tinuruan niya ako para tumaas ang aking mga marka.

Nung March 23 rin, nagkaron kami ng Seniors' Grad Ball pero hindi na ako umattend. Ayoko kasi. Ayoko dahil, wala akong kasama. May trabaho kasi si Rina nung mga araw na yun kaya kung umattend ako, baka maging loner lang din naman ako.

Isa pa, baka masaktan lang ako pag nakita ko yung dalawa na nagsasayaw.

Inaamin ko na, crush ko si Mike. Crush ko siya at hindi ko alam kung crush nga lang ba ito o mahal na. Pero, masakit mang isipin pero wala na akong pag asa. Meron na siyang minamahal.

Nagsasalita na ngayon ang aming Valedictorian ng kanyang speech. Ang aming Valedictorian ay si Bryan. Ang galing niya di ba?

Tahimik lang kaming nakikinig sa kanya.

Matapos ang kanyang speech ay nagsalita na ang guest speaker. Nakikinig lang kami sa kanya ng unti-unting umulan. Hindi siya malakas, katamtaman lang. Kaya medyo lumamig. Gabi na kasi eh, mga 8 pm na.

(Short Story) Love, RainWhere stories live. Discover now