// 16 : It exists

19.6K 621 77
                                    

{ Love, Rain // 16 }

"Sir, 1 hash brown burger and 1 choco crumble sundae?"

Kenji's POV.

Tumango siya kaya ngumiti ako. Binigay niya yung bayad at sinuklian ko naman yun. Binigay ko din sa kanya yung resibo niya. Dali dali kong kinuha yung mga pagkain na inorder niya.

Mag dadalwang linggo't mahigit na. So far so good, naman. May pera e :p

Nagpatuloy naman ang shift ko. Hindi naman nakakapagod ngumiti, minsan, awkward lang pag matanda yung kausap. Di kasi ako marinig =__=

Gabi na nung matapos kami.

Tumulong naman ako sa paglilinis. Tulong tulong kasi eh, nahihiya naman ako kung di ko sila tutulungan at magpupulbo na lang sa isang gilid, tulad nung isa. De, joke lang po, hindi naman ako bitter kay Michaela.

"Uy guys, hanggang Friday na lang tayo dito! Pahingi numbers niyo!"

Naglapitan kay Hannah. Lahat nagpapasave ng number sa phone niya. Lumapit rin ako dahil di ko naman maitatanggi na masaya naman silang kasama.

"Huuuuuy Mike! Penge number mo!"

May sinusulat si Mike ngayon at hindi napansin si Hannah.

"Kaduga neto! Huuuuy!!"

Lumapit si Hannah kay Mike. Nakatingin din kaming lahat sa kanya. Seryoso niya kasi at tanging si Michaela lang nakakausap niya.. or should I say, si Michaela lang yung may tyagang kumausap? Hindi kasi nasagot si Mike eh. Uh, yeah, dalawang linggo na rin ang nakalipas at yun yung huling pag uusap namin. Medyo weird nga e, iba kasi.

Narinig din ni Mike sa wakas yung sinasabi ni Hannah. Tumingin kasi siya eh.

Kinuha niya yung phone niya at nilagay dun sa isang mesa. Naglapitan naman yung mga babae para i-save yung mga numbers nila sa phone ni Mike. Pinapabayaan lang ni Mike yung phone niya habang yung mga babae, naninisik talaga para mai-save yung number.

"Text mo naman kami Mike haaaa!"

Patuloy lang sa pagsusulat si Mike. Tingin ko nagrereview siya eh.

(Short Story) Love, RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon