Chapter 2: Meet the King

730 19 1
                                    

Athena's POV

Kating kati naba kayo kung ilang taon na ako? Well, I bet mas matanda pa ako sayo. Hindi kapa naisisilang, buhay na ako.

I lived on Earth for 117 years. Hindi tumatanda, hindi rin nagkakasakit. In short, isa akong encantada na namumuhay sa mundo ng mga tao.

Pinili kong tumira dito dahil para narin sa kaligtasan ko. At para mapalakas ang kapangyarihan ko.

I am the future queen of Lireo. Isa sa pinaka makapangyarihang kaharian sa aking mundo. Ngunit may isang kaharian na pilit patayin ang dugong bughaw na gaya ko.

Ito ay ang Forbidden Kingdom. Matagal ng magkaaway ang Lireo at ang Forbidden. From the name itself, magtataka kapa ba?

Isinumpa ang lahi nila ng aking lola na pinatay rin nila. My Mom, Queen Minea decided to hide me outside of our world at dito ko napagdesisyunang manirahan. 20 years na akong namumuhay sa mundong ito at nakasanayan ko narin ang pamumuhay na nakasanayan nila.

Makakabalik lang ako sa Lireo when my age turn into 118. Parang katulad ng mga babaeng nag dedebut ng 18 years old. Bongga nga lang yung sa kanila. Hinahandaan at pinapasuot ng magarang damit unlike me, kailangan kong makabalik ng Lireo next year.

Finally, makakabalik narin ako sa mundo ko.

---

"Tulala kana naman Athena beybeh."

She is Anicka Reyes my WITCH bestfriend. Sa paniniwala ng mga tao, maliliit ang mga diwata na nakikita nila sa tv pero iba kami. We are the most powerful kind of immortal.

"Isang taon nalang Anicka, makakabalik na tayo sa Lireo." sabi ko

"Oo nga no. Parang kelan lang tayo napadpad dito. Next year, gagraduate narin tayo. Tamang tama makakabalik na tayo nun." Anicka

For 20 years living in the human world kami lang dalawa ni Anicka ang nagdadamayan. May mga close naman kaming mga tao pero hindi namin hinahayaan na makilala kami ng mabuti. Mahirap na mga bes.

"Naramdaman ko ang kapangyarihan mo kanina." napatingin naman ako kay Anicka.

Ay naalala ko na pala. Mangkukulam nga ba tong babaeng to. Ni kahit amoy ng kili kili amoy na amoy niya kahit nasa malayo kapa.

"Lumalakas kana Princess Athena. Good to know." ngiting sabi niya sakin.

Pinanlakihan ko siya ng mata dahil binanggit niya ang salitang 'Princess'.

"Haha. Peace tayo Athena. Tara na." wala pa akong binibitiwang salita nang hilahin na niya ako papasok ng classroom.

At eto na naman ang madetalyeng tingin ng mga classmate ko sa amin.

Umupo akong wala sa mood. Eto lagi ang itsura ko palagi sa harap nila. Pero bakit mas hinangaan pa nila ako? Nakakainis naman.

Ganun din ang ginawa ni Anicka sa kanila. Tabi kami sa upuan ofcourse. Hindi kami pwedeng maghiwalay. Subukan niya lang tatanggalan ko siya ng hininga.

Nagulat nalang ako nang may napansin akong roses na nakapatong sa desk ko. Pashnea, kanino na naman ito galing?

"Hey. It's from me."

Napatingin naman ako sa nagsalita.

Ramdam ng kapangyarihan ko na hindi siya tao.

'He's not human Princess Athena.' bulong ng brilyante.

'I know.'

Nagkatitigan lang kaming dalawa. Hanggang sa makompirma ng brilyante kung anong klase nilalang siya.

'He is not an ordinary immortal. Pareho kayong malalakas. He is a King, Princess. King of VAMPIRES.'

---

The first story na pinagsama ang Pinay at Korean. Hehe.

Watcha think? :)

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now