Chapter 5

381 14 0
                                    

Athena's POV

"I-I don't know." sabi ko

Hanggang ngayon hindi ko maisip na nagawa ko ang bagay na iyon.

Erasing the memories of people or immortal is not included in my gem's power. Bakit sumunod si Amihan sa utos ko?

"Maybe there is one power that your gem did'nt tell you." Daniel

'Is it true Amihan?' bulong ko sa kanya sa isip ko.

'No! I've never hide my powers to you. Maski ako hindi ko alam na nagawa ko din iyon.' sagot naman niya.

"She said, hindi niya din alam. She never hide her powers to me. Maybe my Mom will know this." ako

"And you can talk to your gem through mind. Your very powerful, my princess." sabi niya at kinindatan ako, ay pusang gala!

Ayan na naman siya sa pagpapakilig niya. Simula nung makilala ko siya lagi nalang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ba niya hahanapin ang babaeng itinakda sa kanya?

"C'mon dalhin na natin sila sa clinic. Baka may makakita sa atin at mapagkamalan tayong nanakit sa kanila." yaya ni Anicka

Binuhat ni Daniel ang dalawang babae sa magkabilang balikat niya. He's too strong. Parang papel lang ang bigat nito sa kanya.

Ginamit ko naman ang kapangyarihan ko kay Vecy. Lumulutang siya gamit ang hangin na galing sa brilyante.

Pagdating namin sa clinic, sakto namang bumukas doon ang pintuan at nakita namin ang school nurse na kinababaliwan din ng mga babae dito.

I admit it. I have a crush on human! Damn! Ngayon lang ako nagka crush sa tagal ko ng nabubuhay. Kumbaga NBSB.

Sa hindi ko maintindihan ay napatingin nalang ako kay Daniel na parang gustong patayin sa tingin ang nurse.

'I'm damn jealous of him! Fuck!'

Nagulat ako nang nabasa ko ang iniisip niya. Hindi niya siguro nagawang lagyan ng barrier ang isip niya.

Nagseselo siya sa nurse? Hmmm... baka may nagustuhan siya sa tatlong to o baka kay Anicka.

O baka sakin.

Tinulungan kami ng nurse na ipasok ang tatlo at inilagay sa hospital bed.

"What happened to them?" tanong ng nurse sa amin.

"Uhm kasi naman kuya poging nurse, nahilo silang tatlo habang kasalubong namin." sagot ni Anicka. Grabe ang rason. Paniwalang paniwala naman si kuyang nurse.

"Siguro may nakain silang hindi maganda o may allergy." sabi nito sabay hawak sa baba niya.

He's so cool. Bakit ganito ang mga tao? Kayang pakiligin ang diwatang gaya ko.

"Pero teka? Sino ang nagbuhat sa kanila?" tinignan niya si Daniel at agad siyang umiwas ng tingin. "Isa lang ang kasama niyong lalaki. Wala naman akong napansin na may kasama kayong iba pa na bumuhat sa kanila." nagkatinginan kaming tatlo.

"Ah eh, nagpatulong kami K-Kuya, pero bigla nalang umalis yung dalawang lalaki kasi nagmamadali rin. Kaya we insisted na kami na ang bahala." oh shucks. Anong klaseng palusot yun?

'Baka nga ganun. Hmmm' dinig kong sabi niya sa isip.

"Sige. Umalis na kayo, ako na ang bahala sa kanila. Baka malate pa kayo sa pag uwi. At mukhang uulan na." nakangiting sabi niya.

Oh myyy.

Ayoko ng ganitong feeling. Next year na ako aalis ng human world. Hindi na ako makakabalik until it takes another years.

"Sige kuya pogi. Salamat." paalam ni Anicka na abot tenga ang ngiti.

Lumabas na kami ng school clinic. Sinimangutan ko lang si Anicka dahil sa ginawa niya kanina.

At ang kasama naming si Daniel hindi madrawing ang mukha. Anyare?

--

Napahiga nalang ako sa sobrang pagod. Nakapagtataka naman, first time ko mapagod.

Siguro sa nangyari kanina.

I will miss my condo unit. I will miss everything in human world.

Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang mag ring ang phone ko.

Unknown number. Sino naman to? Baka mga stalkers ko na naman. Leche.

Sinagot ko ang tawag ng wala sa mood,"Hello?"

[Hey.]

"D-Daniel?" paano niya nalaman ang number ko?

[I've got your number from your friend. Sorry, did I disturb you?]

Putek! Ngayon ko lang napansin ang husky ng boses niya. Mas husky pa yata kaysa kay Edward Cullen. Pero kinikilig parin naman ako sa bampirang yon.

"Ahh hindi naman. Hehe." shit. Sobrang init ng mukha ko kahit naka aircon ang buong kwarto.

[Naiinitan ka?] ramdam ko sa boses niya na nakangisi siya ngayon. Alam na alam talaga ng nangyayari sa akin ngayon.

"W-Why w-would I?" ano ba Athena?! Focus!

He laughed. Pucha. Pati ba naman pagtawa nakakapag pabilis na ng puso.

[I will come back with you together with a girl I love, Princess.]

"So? Wala namang malisya kaya ok lang." parang dinurog ang puso ko sa sinabi niya. Oo nga pala, pumunta siya dito para maghanap ng mapapangasawa.

[Thank you Princess. I'll call you tommorrow. Bye] pagkasabi niya nun ay naputol na ang tawag.

Tinawagan lang ba niya ako dahil sasabay sila sa amin bumalik? Bakit naman niya yun sinabi sakin?

What I'm gonna do with you King Daniel Templeton?

---

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now