Chapter 19: Unexpected Chance

200 8 0
                                    

Athena's POV

One...

Two...

Three!

"Shit! Kanina pa tayo naglalakad pero ang layo parin pala talaga ng Adamya!" reklamo ni Anicka

Kanina pa ako nagbibilang. Nagbabakasakaling may makita kaming mga sireno at sirena sa makikita naming ilog pero wala talaga.

Ilang ilog na ang nilangoy namin pero ni wala kaming nakitang nilalang na magdadala sa amin ng mabilis sa Adamya.

Ang pagkakaiba ng Sapiro, Adamya, Lireo at Hathoria ay kung gaano kalayo ang mga ito sa isa't isa. Yun nga lang, sa kanilang apat ang Adamya talaga ang pinakamalayo. Kung ikukumpara sa mundo ng mga tao, mula Manila papuntang Aklan ang layo nito.

At ngayong wala kaming mga kabayo kaya no choice kung hindi ang maglakad.

"Nauuhaw na ako!" reklamo ulit ng isa.

"Ilang ilog na yung nilangoy natin hindi ka manlang uminom doon? Seryoso Anicka? Prinsesa ka ba talaga?" sumimangot siya sa sinabi ko.

"According to my senses, may isa pang ilog ang madadaanan natin at may nararamdaman akong nilalang na nagbabantay doon." Daniel

Agad na tumakbo ng sobrang bilis si Anicka ng walang sinasabi sa amin. Kaya heto, naiwan kaming dalawa na naglalakad.

"Bilisan na natin. Iniwan na tayo ng makulit na mangkukulam." sabi ko. Akmang tatakbo na ako pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Stay." ma-awtoridad na sabi niya.

Natameme ako sa sinabi niya.

"Kailangan na nating makarating agad ng Adamya, isang buwan nalang ang natitira at aatake na ang Forbidden Kingdom. Hindi ka ba nababahala?" tanong ko sa kanya.

Ang awkward lang. Kasama ko ang mated Vampire King ng Templeton Kingdom.

"Nasaan nga pala yung mate mong tao?" napatakip naman ako sa bibig ko nang mabitawan ko ang salitang yun. Pashnea! Bibig mo Athena!

"Actually, she's not human." sabi niya

Oh? His mate is not a human? Akala ko ba pumunta siya ng mundo ng mga tao para kunin ang magiging asawa niya?

"Immortal siya tama ba?" hindi ko na talaga mapigilan ang bibig ko.

"Yes." agad na sagot niya.

"Witch?" tanong ko ulit.

"No."

"Uhmm. Vampire?"

"Definitely NO."

"Uhmmm. Saan siya nakatira?"

"You already know where she's living." sagot nito.

Eh sino ba kasi! Hindi naman ako manghuhula para malaman kung sino ba yang babae niya!

"Uhm. Galing ba siya sa Forbidden Kingdom?" tanong ko ulit habang pinipigilan ang tumawa.

Kasalukuyan kasi siyang umiinom ng baon niyang animal blood at bigla niyang naibuga iyon.

"HAHAHAHA!" this time, napatawa na ako ng malakas.

"What the hell Athena!" sigaw niya sa akin.

Tawa lang ako ng tawa habang pinupunasan niya ang bibig niya. Pero biglang napatayo ang mga balahibo ko dahil sa makalaglag panty niyang tingin.

His eyes, started to turn into red at marahang lumapit sa akin.

Ako naman dahan dahan ding umaatras.

Hindi ko dapat siya binabasta basta eh! He is a King! I'm only a Princess! Kumbaga, mas mababa parin ang posisyon ko hindi kagaya niya.

"Do you really want to know who is she?" tanong niya at may napansin pa akong konting dugo sa gilid ng labi niya.

At bigla niyang iyong dinilaan habang nakatingin sa akin na parang umaakit.

Gulp!

"Ah ehhh..." shit!

Abante lang siya ng abante habang ako umaatras. Hanggang sa wala na akong maatrasan. Nakasandal na ako sa puno.

Agad akong umalis ng puno na iyon pero marahas niyang hinawakan ang mga braso ko at isinandal ulit sa kabilang puno.

"S-sorry King Daniel! Hehe. Hindi ko naman sinasadya yun. Hehehe. Uhm, hindi na kita tatanungin I swear. Hehehe." nakangiti pa ako sa kanya pero ang loko seryoso parin.

"I promise to myself that if I found my mate, I will kiss her." Daniel

Napa iwas ako ng tingin dahil hindi ko na talaga kaya ang mga titig niya.

"Oh eh yun naman pala! Baka andito siya ngayon? Pakawalan mo na ako okay? Hindi naman siguro ako ang mate mo." akmang tatanggalin ko na ang mga matitipuno niyang mga braso pero hindi ko magawa.

Ang lakas niya eh!

Hinawakan niya ang mukha ko at marahang iniharap sa kanya. Namumula na ata ako ngayon dahil mas gwapo pala sa malapitan ang haring ito.

"Don't worry. Malalaman mo na ngayong mismo kung sino siya." pagkatapos nun ay yumuko siya para halikan ako sa labi.

Oh my!

HINALIKAN NIYA AKO SA LABI!

Nag flashback naman sa akin ang mga sinabi niya kanina.

"I promise to myself that if I found my mate, I will kiss her."

Ngayon, alam ko na. Alam ko na talaga kung sino ang mate niya.

Kaya pala kung makatingin siya sa akin noon, parang may ibig sabihin. Kung mas maaalahanin si Mom, mas lalo naman siya.

Pero ang gaga ko lang!

Sarili ko pala ang babaeng pinagseselosan ko!

Sa huli, pumikit ang mga mata ko at ipinulupot sa leeg niya ang kaliwang braso ko.

---

Eto na! Eto na ang hinihintay niyo! Sana magustuhan niyo fo. :)))

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now