Special Chapter

257 10 0
                                    

Athena's POV

Hindi parin talaga masink in sa utak ko ang nangyari kanina. Parang naiwan ang kaluluwa ko at on the way palang sa katawang lupa ko.

"Bessie! Ano pa ang ginagawa mo diyan?! Tara na sa bridal car!"

Parang kelan lang ako single ngayon marrie--

"MAMILI KA BESSIE?! AALIS KA DIYAN O AALIS KA?!"

Napatalon naman ako sa gulat nang sumigaw si Anicka.

"Ano?! Kitang nagmomoment ako eh." napabusangot tuloy ako.

Tinaasan niya ako ng kilay, "Ah ganon? Sige, ako nalang ang sasakay sa bridal car--Athena?"

"I'm here!" sigaw ko mula sa bintana ng bridal car.

Nagulat siya at tumakbong papalapit sa akin, "Ang daya mo ha? Gumamit kapa ng evictus." natatawang sabi niya at sumakay narin ng bridal car papuntang venue.

"Nasaan si Daniel? Bakit nga pala ikaw ang kasama ko?" diba dapat kapag newly wed eh magkasama ang bride at groom?

"Eh, may surprise daw siya sayo eh." sabi niya na ang lapad ang ngiti.

"Ano naman?" tanong ko

"Ewan ko? SURPRISE nga diba?" pamimilosopo niya.

I rolled my eyes. Tss, that girl.

--

"Now let's all welcome the most beautiful bride, Mrs. Athena Dizon-Templeton!"

Bumukas ang kaninang nakasaradong kurtina at naglakad ako papunta sa harap. Hindi ko rin maiwasang mamangha dahil napapalibutan ng magic ang venue.

At dahil halos mga immortal ang bisita, hindi talaga mawawala ang kapangyarihang meron sila para pagandahin ang lahat ng to.
I have really no idea about this. Buong araw atang supresa ang nasasaksihan ko.

Hayss. Mas lalo tuloy akong nainlove sa bampirang asawa ko. Hihi.

"Good evening, wife." he greeted nang makalapit na ako sa kanya.

Wife.

"Good evening to you, husband." I smiled back.

Oo na, aaminin kong kinikilig talaga ako ng bonggang bongga. Sino ba naman ang hindi? Isang gwapong bampira ang napangasawa ko at habulan ng mga babae.

Hindi lang po halata kasi hindi binanggit ni Ms. A sa story.

Agad na nagumpisa ang program. Merong sabay naming hinati ang 3 layers na chocolate cake. Tapos sumayaw kami sa gitna ng kami lang.

Mayamaya, tinawag ng emcee si Anicka.

"Mrs. McQuilder, do you have a message for queen?" tanong nito.
Ngumiti muna siya bago nagsalita, "Bessie, thank you for all the good memories we have in the couple of years. Tayo lang ata ang magbestfriend na hindi nag aaway. Haha. And, ofcourse I congratulate the two of you. Ipapaalala ko lang ang mini Athena and Daniel ha?" sabi niya habang natatawang bumaba ng stage. Lokong babaeng to.

Sumunod naman si Rosela, "Twin, I congratulate you for having King Daniel in your life. Kakaiba nga lang kasi for all the love stories I've witnessed, kayo lang din ang couple na sa tingin ko hindi nag aaway? Haha. Basta, katulad din ng sinabi ni Anicka kanina? Gumawa narin kayo ng baby niyo para may makalaro naman tong baby ko." sabi niya

5 months na at ngayon ang kabuwanan niya unlike humans. At nalaman naming kambal din pala ang magiging anak nila ng Alpha.

Tumingin ako kay Daniel. Sakto naman palang nakatingin din siya sa akin.

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now