Chapter 26: Twin

205 5 0
                                    

Third Person's POV

Hindi makapaniwala ang dalawa sa mga nakikita nila. Paano nakalabas ng Balaak ang mga namatay na?

Ang mga Hadezar o mas kilala bilang mga masasamang ivtre na napunta sa Balaak. Kung ikukumpara ito sa paniniwala ng mga tao, ang Balaak ay ang impyerno at Devas naman ang langit.

Hindi sila masasaktan ng kahit na anong sandata dahil nga, patay na. At tanging kapwa ivtre lang ang makakagawa nito.

At wala silang kakampi na tutulong sa kanila na mapuksa ang mga hadezar na ito.

"Ahh, this scenario was very familiar. Hmmm... I knew it! Ganito rin ang tagpo sa palabas na 'Encantadia'. Ang pinagkaiba nga lang, apat silang magkakapatid and in our own story, we have only two." nakangising sambit ni Uno.

"Anong ibig niyang sabihin?" tanong ni Athena sa isip.

"Wanna meet your TWIN sister, Princess?"

At doon na siya nabigla ng tuluyan.

Mula sa kanilang kinatatayuan ay may lumabas na babaeng may itim na maskara na nakatakip sa buong mukha nito.

Wala ring kaide-ideya ang babaeng nakamaskara kung bakit siya pinasuot ng maskarang ito. Pero hindi rin mahalaga sa kanya ang dahilan sapagkat bumalik ang lalaking mahal na mahal niya. Kahit isa na itong hadezar.

Nakatingin lang si Athena habang tinatanggal ng mga dama ang maskara ng babae.

At totoo nga ang sinasabi ni Uno.

Kamukhang kamukha niya ang babaeng nasa harapan nila ngayon.

Iminulat naman ng babae ang mga mata niya. Napaluhod naman ang mga hadezar bilang paggalang sa kanilang pinuno.

Ngunit nagulat din ang babae nang makita ang Prinsesa na kamukha niya.

"Uno, what is the meaning of this?" tanong ng babae kay Uno.

"Rosela, meet your twin sister, Princess Athena." Uno

"Twin sister?" tanong nito muli.

"And she is the one who killed your mother." Uno

"Fuck you!" galit na sambit ni Rosela at ginamitan niya ng espadang gawa sa kidlat ang sarili niyang kakambal.

Agad namang naalerto sina Daniel at Athena at mabilis na umiwas sa pag atake.

"Ano na namang pinagsasabi mo sa kanya Uno?! You said we're twins and you also said that I'm the one who killed her mother eventhough she is alive?!" galit namang sigaw ni Athena.

Mas lalong naguluhan si Rosela kaya't sumugod ulit siya. At sinakal niya ang babaeng kamukhang kamukha niya.

"WHO ARE YOU?! ARE YOU COPIED MY FACE?!" galit na tanong nito kay Athena.

Hindi siya nanlaban, tinignan niya lang ang kakambal niya. Baka siya ang kumopya sa mukha nito? Wala manlang kasing nabanggit ang kanyang ina na may kakambal siya.

They are identical twins. At imposibleng magkaiba ang kanilang ina.

"Let her go! She's your sister, you bitch!" sigaw naman ni Daniel na hawak hawak naman ng mga hadezar.

"This is your chance Rosela! Kill her!" nakangiting sabi ni Uno.

Uno is so insane!

Napaka imposible talagang hindi sila magkapatid, dahil walang aksidenteng magkamukha at iba ang ina dito sa mundo ng mga imortal.

Rosela raised her right hand at may hawak na siyang kutsilyo. Sasaksakin na sana niya si Athena nang bigla itong tumalsik.

Napuno ng makakapal na usok ang buong paligid.

"What the hell?" reklamo ni Uno

Tumayo naman agad si Rosela at akmang susugurin ulit ang kalaban pero huli na.

Nakatutok lang naman sa kanya ang tatlong brilyante at handa siya nitong patayin ng ganun kadali.

"H-How did you get them?" namumutlang tanong ni Uno.

Oo nga at isa na siyang hadezar. Pero kaya silang ibalik ng tatlong brilyante sa balaak ng walang kahirap hirap.

At brilyante nalang ng apoy ang kulang at muli nang mabubuo ang Inang Brilyante matapos itong hatiin ng dating Reyna Cassiopeia.

"Don't underestimate me, twin. Kahit ngayon lang tayo nagkakilala kaya din kitang patayin gamit ang tatlong brilyante ko. Kaya pakiusap, sumama ka sa amin." Athena

"NO! I DON-" aangal pa sana ang isa pero bigla nalang silang nawala.

Naiwan man si Daniel pero kaagad niyang sinamantala ang pagkakataon na nawala ang dalawa at naglaho narin siya.

"HANAPIN NIYO ANG KAMBAL! HUWAG KAYONG BABALIK DITO HANGGA'T HINDI SILA NAKIKITA!" utos ni Uno at mabilis na umalis ang kanyang mga tauhan.

Lubos na nagsisisi si Uno kung bakit niya pa pinakilala sina Rosela at Athena. Sa mga oras na ito, alam niyang papunta na ang tatlo pabalik ng Lireo at para alamin ang katotohanan.

Hindi naman talaga niya mahal ang babae. Gagamitin lang sana niya ito laban sa mga mabubuting diwata, bampira at mangkukulam. Pero hindi manlang muna siya nag isip ng plano upang hindi malaman ni Rosela ang totoo.

At galit na galit siya ngayon..

--

Ayan na mga bes! Ano? Ok ba? Comment lang kayo! :)

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now