Chapter 3

523 17 2
                                    

Athena's POV

Putek! K-king of Vampires?! What is he doing here?!

"My name is Daniel Templeton." ngiting pakilala niya sa aming lahat.

So, new student. New immortal classmates. Great.

Tahimik lang siyang tumabi sa akin. Yung mga classmate ko naman nagpipigil ng hininga. Malamang brilyante ng hangin ang kapangyarihan ko.

Their kind is not afraid of the sun. Pero once na mainitan sila ng araw their skin glow like a diamond. At yun ang ayaw na mangyari ng mga bampira malalaman ng mga tao kung ano sila. Parang katulad din sa movie na Twilight.

"We will talk later." sabi ko sa kanya. Hindi talaga ako mapakali kapag curious ako. Kung wala lang klase ngayon malamang nakaladkad ko na siya sa rooftop para kausapin.

Andito ang hari ng mga bampira? Ano naman kaya ang ginagawa niya dito? Maghahanap ng asawa?

I tried to read his mind but damn. Hari nga pala siya, kaya niyang lagyan ng barrier ang isip niya.

Dumating na ang teacher at nag umpisa na ang klase na wala akong natutunan.

After 1 hour, natapos narin ang klase namin. At recess time na. Alam ko na rin naman ang topic ng lesson. Hindi ko na kailangang makinig. Remember? I am 117 years old. Mas madami akong alam compare to them. Ilang beses na ako nag aral. Wala lang, just for fun. At mawala ang boredom sa buhay ko.

Wala namang masama kung umulit mag aral diba? Hindi naman ako tumatanda kaya walang problema.

Sinadya kong magpaiwan unlike dati, ako ang nauunang lumabas ng classroom kasama si Anicka.

Nababasa siguro niya ang isip ko kaya nagpaiwan din siya. Isang diwata, isang witch at isang bampira? Such a great scenario.

"Anong pakay mo dito?" nauna na akong nagtanong.

"Finding my bride." sagot niya

Sabi na nga ba. Naghahanap ng babaeng pakakasalan ang hari ng mga bampira.

"Buti nalang at hindi magkaaway ang mga lahi natin. Kundi nagpapatayan na tayo ngayon." singit ni Anicka.

Yes. Hindi magkaaway ang lahi namin. Bagkos, magkakampi ang mga diwata at bampira. But, I've never met their King. Ngayon lang.

Templeton Kingdom ang tawag sa lugar ng mga bampira. Ito ang pangalawa sa pinaka malakas na lahi ng immortal. Hindi na ako magtatakang siya ang hari dahil sa apelyedo niya.

Gwapo siya, matangos ang ilong, kapansin pansin din ang pabago bago ng kulay ng mga mata niya. Hindi mahahalatang maputla ang balat pero daig pa ang labi ni Snow White sa pula. He's so damn perfect! Siguro maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Tao man o hindi.

Hindi naman talaga maputla ang mga gaya nila. Para lang silang tao mas maputi nga lang talaga sila.

"Nice to meet you King Daniel Templeton." nag bow ako ng konti bilang respeto.

He chuckled,"You don't have to do that. And by the way, nice to meet you too, Princess Athena." halos mawalan ako ng hininga nang hinalikan niya ang kamay ko.

"Kilala mo ako?" tanong ko. Hindi naman kami nagkita before at hindi ko nabanggit na isa akong prinsesa.

"Ofcourse. You are the most beautiful fairy in Lireo." nanlamig naman ako sa sinabi niya.

Mukhang wala siyang balak maghanap ng babaeng pakakasalan. Sa akin siya lumalandi eh.

'I bet, you are the one my Princess.' bulong naman ng brilyante ko.

'Shut up Amihan, paniguradong tao ang hinahanap niya hindi kagaya kong diwata.' sagot ko nalang.

Amihan nalang ang ipinangalan ko sa brilyante. Tutal, si Amihan na si Miss Kylie Padilla ang tagapangalaga kaya yun nalang ang ipapangalan ko sa kanya.

"So, how about the two of you?" tanong nito

"Long story your highness, but when Princess Athena turn into 118 years old makakabalik na kami sa mundo natin." kailan pa naging speaker tong witch na to?

Tinignan niya lang ako. Tinignan ko rin siya. Ang ending, nagkatitigan kaming dalawa.

Hindi naman pwedeng ako ang piliin niya maging asawa. Hindi ko pa siya kilala at siguro ganun din siya.

Hanggang ngayon, hindi ko parin nababasa ang iniisip niya. Bwisit naman nananadya ang mokong.

"Eh ikaw? Kapag ba nahanap mo na ang babaeng itinakda sayo dadalhin mo siya sa mundo natin o hindi?" Anicka

Hindi siya sumagot ng ilang minuto. Pero nagulat nalang ako sa sinabi niya.

"I already found her. At hindi ko na kailangang dalhin siya sa mundo natin dahil siya pa mismo ang sasama sa akin." tinignan niya muna si Anicka at tumingin naman sakin.

Ako ba ang tinutukoy niya?

--
Don't bash my story mga bebe. This is a FANFICTON/FANTASY story. Makisabay nalang kayo. :)

Enjoy reading!

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now