Chapter 13: Welcome Back to Lireo

256 10 0
                                    

Third person's POV

Galit na hinagis niya ang isang kawawang warlock nang sabihin nito ang tuluyang pagbalik ng Prinsesa sa Lireo.

"Damn you all! Hindi niyo manlang binantayan! O patayin na agad?! Mga walang silbi!" gumamit siya ng electric sword at walang awang sinaksak ang warlock.

"Nasaan ang walang hiyang si Uno?! Hindi ba dapat kasama niyo siya dito?!" galit na tanong niya sa mga ito.

"Easy babe. I'm here." lumingon siya sa lalaking nagsalita. Ang lalaking kanina niya pa hinahanap.

Huminahon naman siya nang makita niya ang lalaking mahal na mahal niya.

Kung hindi lang ito dumating. Baka napatay na niya ang lahat ng mga tauhan niya.

Awtomatikong umalis ang mga tauhan nila dahil ayaw magpaistorbo ng kanilang mga pinuno.

Isa parin sa mga katanungan niya ay kung bakit ayaw siyang ipakita ni Uno sa Prinsesang si Athena. Ang pakilala lang sa kanya ni Uno, si Princess Athena raw ang pumatay sa kanyang ina.

Agad niyang pinaniwalaan ang kasintahan at nagsimula naring siyang magalit sa Prinsesa kahit hindi niya pa nakikita.

"You really like your mother, my dear." malambing na sabi nito at hinalikan siya ng lalaki sa labi.

Tumugon siya sa halik na iyon. Dahil mahal nga niya ang lalaking si Uno.

"Gagawin ko ang lahat para mapatay ang Prinsesang pumatay sa iyong Ina. I promise." doon siya napaiyak sa sinabi ng kasintahan na may halong galit narin para sa prinsesa.

"Ngayong nasa Lireo na siya, hindi na tayo mahihirapang patayin ang Prinsesa at makumbinsi ang brilyante niyang magpasakop sa atin." tugon ni Uno.

"But you sai--" napahinto siya sa pagsasalita nang halikan na naman siya ng binata ng ilang oras.

"Ako na ang bahala. Darating din ang araw na magkikita kayo pero hindi pa sa ngayon." ngumiti ito sa kanya. At umalis sandali.

'I curse you Athena!' bulong niya sa sarili.

Tuluyan na nga niyang isinusumpa ang Prinsesa sa kanyang isip. Pero hindi manlang niya alam na may isang malaking katotohanan ang nakatago na pilit na sinasarado.

Malalaman kaya niya bago mapatay ni Uno si Princess Athena?

---

Athena's POV

"Leche! Wala na tayo sa mundo ng mga tao para magtaguan!" inis na sigaw ko.

Kanina ko pa hinahanap sila Anicka at Daniel pero ang galing magtago ng mga damuho.

Naisipan ba naman ni Anicka na magtaguan sa malawak na gubat ng Lireo? Nababaliw na ata siya. Ang isa naman, nakisabay sa kanya.

Nagdududa na talaga ako. Mukhang si Anicka ang mate ni Daniel.

Pero bakit kaibigan ko?!

'I will help you.' komento ni Amihan sa isip ko.

Ibinuka ko ang palad ko at lumitaw siya. May nilabas siyang hangin mula sa kanya at kumalat ito sa buong gubat. Ang ibang hangin naman ay sa akin para mas madali ko silang maramdaman habang kumakalat ang hangin sa buong gubat.

Hindi pa nga ako nakakauwi pero heto ako. Nakikipag tagu taguan sa mag syota.

Balak ko na mag move on sa damuhong bampira pagkabalik ko ng kaharian namin pagkatapos ko dito.

Napangisi ako, "Gotcha."

Nasa itaas ng malaking puno si Anicka at katabi lang ng punong pinagtataguan niya ang punong pinagtataguan din ni Daniel.

Naging golden brown ang mga mata ko para ma zoom in ang kinalalagyan nila mula sa malayong puno.

"Ako naman." ngiting sabi ko at walang sabi sabing tumakbo ng mabilis.

"Uunahan niya tayo pabalik ng Lireo!"

"C'mon Anicka!"

Napatawa lang ako dahil sa narinig ko sa kanila. Malayong malayo na sila sa akin. Maaabutan lang nila ako kapag nakapagbihis na ako ng natural naming damit sa Lireo.

Habang tumatakbo ako, tanaw na tanaw ko na ang kagandahan ng Lireo.

Pagkadating ko sa main gate ng kaharian bigla akong hinarang ng dalawang kawal

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Pagkadating ko sa main gate ng kaharian bigla akong hinarang ng dalawang kawal.

"Sino ka?!" galit na tanong nito sa akin. Aba't hindi ako kilala?

At dahil wala sa mood magsalita. Mabilis ko siyang nilampasan. Panay ang sigaw niya sa akin habang sinusundan ako papasok sa loob.

Madami na talagang pinagbago sa Lireo. Pati kawal hindi na ako kilala.

Mabilis akong tumakbo papunta sa punong bulwagan ng palasyo nang harangin na ako ng limang kawal at mahigpit na hinawakan sa magkabilang braso.

Seriously Mom? Ayaw mo ba akong pauwiin dito? bulong ko.

May dumating na babaeng sa pagkakaalam ko ay mas bata sa akin. Sino naman ito?

Tinaasan niya ako ng kilay na parang siya ang reyna dito.

Nasaan si Mom?

"Sino kang hampas lupa ka na pumasok sa kaharian ng Lireo?! Hindi mo ba alam na mapaparusahan ka ng kamatayan sa ginawa mo?!" galit na tanong niya.

"Really? Hindi ako nainform." walang ganang sagot ko.

Akmang sasampalin niya ako nang may nagsalita.

"Let her go. She's Princess Athena."

Pumasok ang isang babaeng mahaba ang suot na damit at may makapangyarihang korona sa ulo.

"What? Y-your daughter?" tanong ng batang Punong Dama pala. 

Aba't! May gana pa siyang sigawan ako ah!

Kita ko namang namutla ang mga kawal nang tignan ko sila. Lumuhod sila sa akin bilang paggalang.

"I'm sorry Princess Athena." paumanhin ng isang kawal.

Nginitian ako ng Ynang Reyna at niyakap ako ng mahigpit.

"Welcome back to Lireo, my daughter."

--

Athena is backk! More adventures to come. HAHAHA. Kapit lang kayooo.

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now