Chapter 6

326 11 0
                                    

Athena's POV

Hindi ko parin maalis sa isip ko ang huling napag usapan namin ni Daniel sa phone.

Para akong dinurog sa sinabi niya. Nahanap na niya ang taong para sa kanya. And once an immortal found his/her mate they will never seperated by anyone. Mas magiging konektado sila sa isa't isa.

Hinayaan muna ako ni Amihan dahil ayaw niya akong maistorbo. Sa ganitong sitwasyon, nananahimik siya dahil ayaw niyang mag iba ang aming emosyon. Dahil kung mangyayari yun, hihina kami pareho.

"Ano ba to? Nagkakagusto naba ako sa Hari ng mga Bampira? Sobrang bilis naman ata?" I asked myself.

Imposibleng ako ang babaeng itinakda sa kanya. According to our history, kapag naging isang Hari ang isang Bampira, he needs to find a human bride. Mas lumalakas daw sila dahil maaaring lumakas din ang magiging reyna nila kung maging isa ito sa kanila.

"Damn. Ngayon lang to nangyari sa tagal ko ng nabuhay." kanina pa ako hindi mapakali. Parang gusto kong tanungin si Daniel kung sino ba yung babaeng tinutukoy niya. Malay natin kilala ko din pala.

Akmang aalis na ako sa classroom dahil recess time na at ayokong lumabas nang makaramdam ako ng malakas na kapangyarihan.

Si Daniel lang pala. Hindi ako makapaniwalang magkasing lakas lang kami dahil nadama ko iyon kahit alam kong nasa second floor palang siya at papunta na dito. Kasama niya si Anicka.

O baka silang dalawa? Nakuu, hindi manlang nagsasabi sakin ang bruhildang mangkukulam.

Unti unti ko ding naririnig ang pinag uusapan nila. Nagulat nalang ako nang binanggit ni Anicka ang babaeng mahal ni Daniel sa usapan nila.

What's with that girl?

Bago nila madama ang presensiya ko ay agad akong gumawa ng barrier na gawa sa hangin para hindi nila ako maramdaman habang paakyat sila dito.

Kung wala lang kami sa mundo ng mga tao, baka kanina pa sila andito. Hindi rin namin pwedeng gamitin ang kakayahan naming gumalaw ng mabilis na parang bampira. Baka may makahalata.

"What?! She is your mate?" takang tanong ni Anicka

"Yes, but Anicka don't tell her. Baka magalit siya sa akin." sino naman ang magagalit?

"I can't believe that ugly girl will be your wife soon." napailing nalang si Anicka.

The heck? Who's that ugly girl huh? Bakit ayaw nilang banggitin sa usapan nila? May barrier naman ako ah?

"Pero ang problema, hindi niya pa alam. Her mother told me na hindi ko muna sasabihin sa kanya. Ayoko din naman siyang mabigla." dama ko sa boses ni Daniel ang lungkot. Halatang excited makasama ang babaeng yon.

Itinigil na nila ang pag uusap nang makarating na sila sa classroom. Papasok na sana si Daniel pero bigla siyang tumalsik.

Oppss. Hindi ko pa pala natatanggal ang barrier. Ayokong magalit sa akin ang itinakda sa kanya baka pag naging bampira yun magagawa na niya akong kalabanin.

"This shield is from Athena's power." sambit ni Anicka.

Agad namang nakabalik si Daniel sa kinaroroonan ni Anicka. Nasa harap silang dalawa ng pintuan na may barrier.

"But why?" hindi pa siya nasagot ni Anicka nang agad ko itong tinanggal. Mabilis ko namang nilagay dalawang kamay ko sa desk at ipinatong ang ulo ko sa desk para magkunwaring tulog.

"I think she didn't want to disturb her sleep." Daniel

Matapos ang ilang minuto nang nagsibalikan na ang mga kaklase ko. Sunod naman dumating ang teacher na agad akong niyuyog ni Anicka para gisingin.

Hindi naman ako tulog. Tss.

Nag umpisa na siya sa klase niya. As usual, tatlo lang kami ang hindi nakikinig sa harap. Alam na kasi namin ang lahat ng ituturo palang niya.

Ilang buwan nalang at makakabalik na ako sa Lireo. My Mom is waiting for me. My kingdom is waiting for me.

At sa araw naman na iyon, makikilala ko ang babaeng mahal ni Daniel.

---

Sorry kung maikli mga bes. Hehe.

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now