Chapter 24: His Fangs

201 8 0
                                    

Athena's POV

Three down, one to go.

Isang brilyante nalang at mabubuo ng muli ang Inang Brilyante. At ako na ang bagong magmamay ari nito as one.

Ano kaya ang susunod na pagsubok? Kung muntik na akong mamatay sa Adamya, paano pa kaya kapag nasa Hathoria na kami? Hay naku, Emre. Ayoko pa talagang tumira ng Devas.

"Honey.."

Lecheng 'Honey' na yan. Kanina pa niya yan tinatawag sakin. Baka mamaya maging totoong honey na ako.

"What?" tanong ko.

"I Love You." basjnzumsi!

Hanuu? I Love You daw?

"Wushooo. Ginagamit mo ba si Amihan, Athena? Ang lakas ng hangin eh." natawa nalang kaming dalawa sa sinabi ni Anicka.

"Huh? Hindi naman ah?" inosenteng tanong ni Daniel.

Ay oo nga pala. Hindi niya magets yung ibig naming sabihin. Uso kasi ang mga ganyang joke sa mga tao eh. Kaya na-adapt narin namin.

"Haha. Nevermind na nga lang King. Hahaha." Anicka

Nakakunot lang ang noo niya dahil sa sagot sa kanya ni Anicka.

Our last destination is the most dangerous place here in the immortal world, Hathoria.

Ang Hathoria ay dating tapat sa mga kalapit na kaharian ayon sa kwento sa akin ni Mom. Ngunit sinakop ito ng mga traydor na nilalang at tinawag na nila itong 'Forbidden Kingdom' kaya't magpahanggang ngayon, hindi parin magawang mabawi ng mga dating nakatira sa Hathoria mula sa kanila at yun ang ipinagtataka ko.

There's a lot of kingdoms na kakampi namin at isang kaharian lang naman ang babawiin pero bakit hindi nila magawang pabagsakin ang mga sumakop dito dati pa?

Naisipan naming sumakay ng argona para mas mapadali ang pagdating namin ng Hathoria at maharap ang mga isinumpang nilalang at makuha ang brilyante ng apoy.

Mula dito sa taas, tanaw namin ang iba't ibang kaharian na akalain mo ay magkakalapit lang.

"Ang ganda pala dito sa taas." manghang sabi ni Anicka.

"Oo nga. Hindi mo din aakalain na may digmaang magaganap." sagot ko.

Hindi namin napansing huminto ang sinasakyang argona ni Daniel.

"What's the matter King?" tanong ko.

Bago pa siya makasagot, nahulog na siya sa sinasakyan niyang argona.

"DANIEL!" agad naman namin siyang sinundan at kasama parin namin ang sinakyan niyang argona kanina. At mabilis din siyang nasalo nito.

"He's thirsty for blood." sabi ko nang mahawakan ko ang mga kamay niya.

"Sa pagkakaalam ko, walang masyadong hayop ang makikita natin sa ibaba. Dahil sa takot nila sa mga isinumpa." Anicka.

Paano ba to? Bakit hindi niya manlang sinabi na ilang araw na pala siyang hindi umiinom ng dugo?

"Maybe naubos na ang lakas niya nung pinatay niya si Uno. Pero pinilit niyang magpalakas for you." Tsk. Filthy Vampire.

Agad akong nakaisip ng paraan, bumaba kami ng lupa at walang sabi sabing inilahad ko ang kanang pulso ko sa kanya.

"Do you want him to drink your blood Athena?" tanong ni Anicka.

Hindi muna ako sumagot, "Daniel, drink my blood." utos ko.

Dahan dahan niyang iminulat ang mga mata niya at sinabing, "N-No. I-I can't." tanggi niya.

"Anicka, hindi ba pwedeng gamitin ko nalang si Adonis? Ang tigas talaga ng ulo nito eh. Ayaw inumin ang dugo ko." nakakadiri ba ang dugo ng mga engkantada?

"No, Princess. Adonis is not a blood donor. He is just a gem. Nagpapagaling ng sugat, hindi ang magbigay ng dugo sa loverboy mo." Anicka.

Oo nga naman. Eh ang tigas eh! Ayaw niyang uminom!

Kasing tigas ng abs niya.

Damn! Pati isip ko natututong maging manyakis.

"Please, Daniel. Drink my blood or else you'll gonna die." pagmamakaawa ko.

Hindi naman pwedeng inumin niya ang dugo ng mga argona na ito. Kawawa naman.

He rejected my right pulse again. Tsk.

Ayaw niya talaga ah? Pwes.

"Drink my blood, or else I'm gonna go back to the human world and marry the handsome school nurse." banta ko

Kahit nanghihina, nagawa niyang imulat ang mga mata niya ng sobrang laki. At nakita ko tuloy ang nakakatakot niyang red eyes.

"D-Don't you ever do that to me. I'm your King and that's an order." banta niya rin sa akin.

Gusto kong ngumiti pero kailangan kong pigilan baka ayaw niya talagang inumin ang dugo ko.

"Ayaw mo pala eh. Uminom kana kasi!" pamimilit ko pa

At sa wakas, kinuha niya rin ang kanang kamay ko at bigla niyang hinalikan ito bago niya kagatin ang kanang pulso ko.

This is the first time I saw his scary but beautiful fangs. This is the first time I saw him as a Vampire. Na umiinom ng dugo ng iba para mabuhay.

Nakaramdaman naman ako ng pagkahilo pero ayokong ipakita iyon sa kanya.

Hindi ko namalayang okay na siya. Bumalik na siya sa dati.

He hugged me tight and said, "Thank you for feeding me Athena. Your blood is the only one that can make me strong. At ang dugo mo ang siyang kababaliwan ko." bulong niya sa kaliwang tenga ko.

Woo. Nagwawala na naman ang mga hormones ko sa katawan. Salita niya palang kasi nakakakilig na. Nyeta.

Inilabas ko si Adonis mula sa kabilang palad ko at ginamot niya ang parteng kinagatan ni Daniel. Nawala naman ang sugat na iyon at naging ok na rin ako.

"And I'm sorry." dugtong niya.

Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi niya, "No. It's okay for me."

Ngumiti siya at hahalikan na sana ako sa labi pero bigla kaming sinigawan ng bessie ko na nasa taas na pala sakay ng argona niya.

"HOY! MAMAYA NA MUNA YAN! AYOKONG MAINGGIT KAYA ITAGO NIYO MUNA ANG MGA LIBOG NIYO SA KATAWAN!" sigaw nito at tumatawa pa.

Ngumiti kaming pareho at sumakay na kami ng aming nga argona at agad na sinundan ang bitter/NBSB na si Anicka.

Hayy. Kailan kaya magkaka lovelife ang bestfriend ko?

---

Sinipag ang author kahit medyo mahirap na ang second sem nila. I hope ma-appreciate niyo po ang  mga gawa ko. Salamat po. :)

The Famous Girl has a Secret [COMPLETED]Where stories live. Discover now