01 The Divorce

10K 118 19
                                    

3 Months Earlier

"After you sign these papers, pareho na kayong magiging diborsiyado. Your marriage will be null and void. I'm asking you for the last time, are you both sure?"

Iyon ang ikapitong ulit na pagtatanong ng divorce attorney sa amin ni Maine habang kami'y nakaupo sa loob ng isang conference room nila. Nagkatinginan lang kami ulit ni Maine, ngumiti sa isa't isa at tumango sa divorce attorney.

Hindi naman kasi madumi ang nangyaring divorce sa amin ni Maine. Siya ang may gusto nito. Noong una, ayokong pumayag at sinabi kong pag-isipan niyang mabuti. Tinanong ko din siya kung bakit niya gustong makipaghiwalay sa akin.

"I love you. I still do. Pero hindi na kita mahal sa ganoong way." Iyon ang sagot niya sa akin. Naintindihan ko din naman dahil iyon din ang aking nararamdaman. We've been together for 16 years and I think, eventually, nabawasan yung pagmamahal namin sa isa't isa. That doesn't mean I don't love her because I still do. That was 6 months ago when she dropped the divorce bomb on me.

Ano nakapagpapayag sa akin? When my son told me that his mom's being sad and weird. "Daddy sabi kasi ni mama ayaw na niya. Give her what she wants. We'll be okay." And I guess that broke me. She wasn't happy with me anymore kaya naman pumayag na ako.

Our terms were simple. Hati kami sa lahat ng nakapangalan sa amin, be it business or personal, pero hindi kami naghati sa mga bata. Tinanong ko kasi siya kung ano ang gusto niya at kung saan siya sasaya. "I still want both of us present for the two so walang limitations. Kung saan nila gusto magstay and kung gusto nila ng family get togethers lagi, sila masusunod." Ang sabi niya. So, I agreed. My son, Alex, and my daughter, Celestine chose to stay with her pero sa bahay ko sila naglalagi every weekend and I was happy with that set-up.

Like I said, everything was amicable. We were both happy signing those papers. Or at least I thought we both were.

I found myself drinking that night sa bar ng sariling bahay ko. I took the most expensive bottle of wine at nagsimulang tunggain yung bote pero iyon ay matapos kong magtext sa mga best friend ko na samahan nila ako para mag-celebrate na single na ulit ako.

Rodjun: Sorry bro. Aattend ako ng recital ng anak ko bukas. Can't drink. Maybe sa weekend?

Dean: Haha nasunod pala si ate. Di ako makakapunta. Nasa labas kami ni misis. Bayaan mo, babatukan ko na lang si ate pag nagkita kami.

Kristoffer: Gago hahaha. Sa weekend na. Nasa taping ako.

Bea: Ayos 'to. Magyayaya kung kailan nasa taping. At bakit parang masaya ka pa? Hahaha

Nairita lang ako dahil wala pa lang makakapunta. Pero di ako nawalan ng pag-asa nung nakita kong lumitaw ang pangalan ng isa ko pang best friend sa screen. Alam ko kasing never pa ako iniwan nitong kaibigan kong 'to maliban noong may mga exam siya.

Sebastian Benedict: Seryoso ba? Baka naman yung iinumin natin yung expired mo nanamang beer sa ref. Papunta na ako.

Si Baste. Eversince he was little, naging bestfriend ko na siya. I was always there sa mga milestones ng buhay niya. Parang kapatid ko na nga siya itinuring eh. Cute cute kasi dati pero he outgrew all that. Akalain mo yung chubby chubby na bata na yun, maganda naidulot ng puberty. He goes by Seb now. Total charmer and ladies man. Nagpose nga ng naka boxers para sa Bench Body eh.

I wasn't surprised when he said he's coming. Never naman ako humindi sa invites niya at never din siya nawala sa akin. Kung tutuusin, mas close pa kami kaysa sa panganay kong si Alex (pero mas love ko si Alex. Duh.)

I replied na kung gusto niya ng hindi expired na beer, magdala siya. Tsaka ko sinabi na I'll wait for him kasi siya lang pwede dahil siya lang ang walang taping. Sa weekend na lang yung celebration na kasama ang iba pa.

Pero I didn't feel like it was a celebration. Alam ko na hindi, dahil sa tagal ng paghihintay ko sa kanya, naparami na ang iniinom kong wine. Ganoon ako pag malungkot. Pero hindi muna ako nagbukas ng panibago matapos ko makalahati ang iniinom ko dahil unti unti ko nang nararadaman ang lungkot na bumabalot sa akin. Kaya naman nagbukas muna ako ng chichirya at nanood ng Netflix habang naghihintay kay Baste.

Nakatulog ako saglit at nagising ako nang marinig ko ang tunog ng doorbell. Agad ko naman siyang pinagbuksan.

"Akala ko naman kung ano na nangyari sayo. Tagal mo sumagot." Bakas sa cute na mukha niya ang pag-aalala.

Teka, did I say cute?

"Nakatulog ako eh. Sorry na. Pasok ka na." Nagulat ako nang bigla niya akong akapin.

"I'm sorry. I know na epic love mo si Ate Maine." Ang bulong niya sa akin. Kinilabutan naman ako dahil naramdaman ko ang hinga niya sa bandang tenga ko. Ewan ko kung bakit pero parang iba ang dating sa akin.

Dahil lang sa wine 'to.

"I brought you this. Alam ko bawal white wine and don't pretend you're celebrating kasi I know you. Ikaw pa ba?" Inabot niya sa akin ang isang malaking bote ng brandy. Natawa naman ako dahil alam niya talaga ang type kong inumin pag nalulungkot ako.

"You know me too well. Grab a glass. Alam mo naman siguro kung san kukunin."

Agad kong dinala ang brandy sa family room kung saan ako nakaupo kanina at sinumulan nang inumin. "Wow. Tastes expensive."

"Right? Regalo yan ng Bench." Nagulat ako dahil nakabalik na pala agad si Baste mula sa kusina. Umupo siya sa kabilang couch na katabi ng mahabang inuupuan ko at ibinukas ang footrest nito. "So tell me about your divorce."

"Wala naman akong dapat sabihin. It was amicable. We both wanted it anyway." Ang sagot ko sa kanya. I'm not even drunk enough to admit na oo nalulungkot ako sa nanguari dahil hindi kami nagtagal, tulad ng mga idolo kong lolo at lola.

"Alam ko naman di ka magsasalita. Ikaw pa ba. Let's just celebrate. At least you're single now." Tumawa kami pareho. At doon nagsimula ang sunod sunod na buhos ng brandy sa aming mga baso.

Nang mauubos na ang laman ng bote, kumuha ako ng isa pa mula sa wine cabinet sa family room ngunit agad itong kinuha ni Baste. "Seb, give it back."

"I think we both had enough." Ang sagot niya sa akin. Alam kong pareho na kaming hilo dahil pareho na kaming gumegewang sa pagkakatayo. "I'll put it back."

Habang inilalagay ni Baste ang alak pabalik ay napansin ko ang napkakisig na hubog ng katawan niya.

Oh shit, I'm drunk.

Nagulat na lamang ako dahil pagharap ni Baste ay natalisod ito. Buti na lang ay nasalo ko siya pero sabay pa rin kaming bumagsak pabalik sa couch. Magkalapit ang mga mukha namin at titig na titig ang aming mga mata sa isa't isa.

Di ko napigilan ang sarili ko. Hinila ko pa siya papalapit at hinalikan ang kanyang mapulang mga labi.

Oh shit! I'm kissing Baste... And he tastes so good.

Narealize naman ni Baste ang ginagawa ko at matapos ang sampung segundo, pumiglas ito at lumayo ng kaunti.

"Jay, what did you just do?" Nakatingin siya sa aking mukha ngunit dahil sa alak, hindi ko magawang lumaban sa naraeamdaman ko. I wanted him right there and I needed him. "I'm half your age."

Di ko inasahan nag sagot niyang iyon kaya naman napahagalpak ako ng tawa. "Hinalikan kita and that's what you're worried about?" Ngumiti lang ako sa kanya sabay hatak muli sa kanyang damit at ibinalik ang aking mga labi sa labi niya.

Hindi na siya bumitaw at lumaban na rin sa paghalik.

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon