05 Love You

3.6K 74 28
                                    

Present Time

"Hey, sorry I'm late." Ang bati ko sa aking ex-wife pagdating ko sa Newport Mall. Hinalikan ko siya sa pisngi at sinuklian niya naman ito ng halik din sa aking pisngi.

Pag-upo ko ay nakangiti siya sa akin. Halata sa mga mata niya na na-miss niya nga ako katulad ng sabi ni Alex pero hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi niyang guilty rin ito.

Guilty ba siya sa pagdidivorce sa akin o meron pang ibang dahilan?

Wala pang ilang segundo sa aking pag-upo ay may lumaput na na server ng Parmigiano sa amin. "Let's order. Ano gusto mo?" Ang tanong ko sa kanya.

"Alam mo naman yung gusto ko eh." Ang sabi ni Maine. "Di dahil divorced tayo eh magbabago naman yung taste ko." Tumawa siya. Ako naman ay napalunok.

Di katulad ko. Taste pa din naman kita pero nagdagdagan lang ako ng preference. Shit. Bakit ko ba iniisip 'to?

Sinabi ko ang order namin sa server at agad naman itong umalis. Mabuti na lang at tanghali pa lamang ng Friday iyon kaya wala halos tao sa Newport Mall. Walang gaanong makakarinig sa amin.

"So have you thought about it?" Ang tanong niya sa akin. "Seryoso ako, RJ. I want you back."

"It's been three months. Hindi ba dapat ang una mong tinatanong sa akin ay kung naka-move on na ako." Natawa ako. Natawa rin siya sa sinabi ko.

"We've left on good terms. Kaya alam ko mabilis ka makaka-move on. Wala akong paki. Ako ang epic love mo, ikaw ang epic love ko. If I have to date you again, I would. I still love you, you know that." Ang sabi niya sakin. Ramdam ko ang sincerity dahil kitang kita ko iyon sa mga mata niya.

"I'm seeing someone." Nagulat ako sa lumabas sa bibig ko. Ang dapat kong sasabihin ay 'I want you back, too'. Nabigla kami pareho. Pero agad nawala iyon sa mukha niya at napakagat siya sa kanyang labi at ngumiti.

"Who is the lucky lady?" Kita sa mata niya na curious siya at walang bahid ng selos. "I want to know. I demand to know who my ex-husband is seeing." Dagdag niya sabay tawa.

Kalma. Ayusin mo pronouns mo.

"Ipapakilala ko siya sa'yo pag ready na ako." Iyon ang sabi ko sa kanya. Bigla na lang nag-ring ang cellphone ko na nasa lamesa. Napatingin kami pareho at bumungad ang picture ni Baste na nakahubad. Siya ang tumatawag.

"Is that Seb?" Tumawa si Maine ng malakas. Ako naman ay pinagpapawisan na ng malamig.  "Gago talaga yun. Pinalitan pa yung call picture mo. Proud na proud talaga yun sa katawan niya." Natawa lang ako ng isang tawang punong puno ng nerbyos. "He should be. Ikaw kasabay nun mag-workout eh."

Anong klaseng workout ba tinutukoy mo?

"Ah eh oo. Teka sagutin ko lang. Wait here." Ang sabi ko kay Maine. Sinagot ko ang telepono at lumabas muna sa restaurant. "Bakit? Kasama ko si Maine."

"Alam ko. Your sister is here kaya ako tumawag. Nagtataka siya bakit andito ako. Sabi ko pinakiusapan mo ko bantayan si Alex. Also, alam din niya." Namutla ako sa narinig ko.

Does everyone know?

"O sige. Keep her company. Ikaw na muna bahaka sa kanya. I'll be with Maine until later. Love you." Bago ko marealize ang sinabi ko, huli na ang lahat. Narinig ko ang gulat niya sa kabilang linya kaya naman agad kong pinatay yung tawag.

Putang ina, RJ! How deep can you get? At hindi yung deep na yun!!

Bumalik agad ako sa table namin ni Maine at nadatnan ko siyang umiinom na ng milshake at nagsisimula na maghalo ng pasta na in-order namin. Pag-upo ko ay napatingin siya sa akin. "Grabe 'no? Yung dating cute na tinatawag nating Baby Bash, supermodel Sebastian na ngayon. Tapos Bench Body model pa. Alam mo ba niyaya siya si sir Ben rumampa sa Bench night?"

Nanlaki ang mata ko. Hindi pa kinukwento ni Baste ang pagyaya sa kanya rumampa sa Bench. Kailangan ko kausapin to dahil ayokong sumambulat sa sangkatauhan ang malaki niyang kargada. Sa akin lang iyon.

Sa akin lang iyon?? Fuck, self, ano nangyayari sa'yo?

"Wow. That's good for him. Bagay naman sa kanya." Ang naisagot ko na lang. Bumungisngis naman si Maine.

"Alam mo kung di ako nagsisisi sa divorce natin, at tsaka if he's not half my age, baka nilandi ko na yung batang iyan. Well, kahit na he's at that age pwede pa rin naman." Tumawa siya. Tatawa sana ako pero nerbiyos na hinga ang lumabas lang sa akin.

"You're here, asking to date me again, pero you're talking about Seb?" Doon na ako tumawa. Natawa din siya. Agad naman kaming natigil dahil naging seryoso ulit ang mukha niya. Nagkatitigan kami.

"Seriously, I want you back, Jay." Kinagat niya ang labi niya dahil alam niyang iyon ang kahinaan ko. Sobrang na-turn on ako ng oras na iyon at muntik ko na siyang halikan, pero pinigilan ko ang sarili ko.

Why are you stopping? It's not like nag-DTR na kayo ni Baste, even though you just said you love him over the phone a few minutes earlier.

Di ko alam gagawin ko sa mga oras na iyon, kaya naman nagpaalam ako at dumiretso sa banyo. Huminga muna ako ng mga ilang ulit at lumabas para bumalik kay Maine.

Laking gulat ko na may taong malapit sa table namin. Hindi ko namukhaan at hindi ko alam kung lalaki o babae pero nakita ko na hinawakan niya ang braso ni Maine at hinimas. Kitang kita ko din ang pagngiti ni Maine sa himas na iyon at dahan dahan itong lumapit at may binulong.

Napakagat nanaman ng labi si Maine. Doon ko nakita kung sino ang kausap niya. Naka-baseball cap lang pala ito para hindi makilala.

Ang huli kong narinig na kanyang sinabi habang papalapit ako ay. "I'll see you tonight, babe."

Si Nadine Lustre ang kalandian ng ex-wife ko kaya siya na-gui-guilty.

Oh diba. Di lang pala ikaw self ang nag-explore ng bagong kweba eh.

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon