10 Small Tip

2.2K 60 14
                                    

Present Time

"Ay shit! Sorry, Tol!" Napatayo ako at agad kong tinulingan tumayo si Kris sa pagkakabagsak dahil sa suntok ko.

"Ow. I guess I deserved that." Hindi ganoon kalakas ang pagkakasuntok ko kaya naman walang galos na tinamo si Kris doon. "I should have told you sooner." Nang makaupo na siya ng maayos, pumunta ako sa ref at kinuha ang ice pack sa freezer. Ipinalagay ko agad ito sa bahaging nasuntok ko.

"Sorry. Nakalimutan ko na ex-wife ko siya at wala akong karapatan magselos. Nabigla lang ako kasi best friend kita." Umupo lang ako sa harap niya at huminga ng malalim. Nagulat ako sa naging reaksyon niya.

"Huy. Wag ka umiyak! Iyakin talaga 'to." Tinapik niya ako sa hita at doon ko lang narealize na naiyak ako dahil nasaktan ko si Kris. Ganoon kasi talaga ako kaemosyonal. "Umayos ka. Ok lang ako. Kasalanan ko. Wala kang kasalanan." Tumawa siya kaya naman nawala ang pagkalungkot ko at natawa na rin.

"I can't tell you the whole story. Dapat ay sasabihin ko agad sa'yo noong magsimula kami, pero hindi ko nagawa dahil naulit ng naulit. Naguilty ako kaya hindi na namin itinuloy ni Maine. Alam ko naguilty rin siya kaya nga siya lumapit sa'yo." Ang sabi niya. Bakas sa mukha niya na nalulungkot siya at nakokonsensya sa nagawa niya.

"So wala na? Kung ano man yung ginagawa niyo, tapos na?" Ang tanong ko. Di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari sa Newport Mall at ang interview ni Nadine.

"Yung part ko? Oo, tapos na. Mga 1 month na. It's not like we dated or anything. We just had fun. Single naman kaming lahat." Nagulat ako sa rebelasyon niyang iyon. Alam ko nagulat din siya dahil napatingin siya sa akin. Siguro ay hindi ko dapat nalaman ang parte na iyon.

"Well, I'm not going to judge you. Di ko lang akalain na you have a thing for her." Natawa siya sa sinabi ko.

"Every guy wants her. Di lang sila makalapit dati because of you at nang mapabalitang she's single, everyone jumped at the chance." Di ko akalain na yun ang sasabihin niya. Pero di ko alam kung paano ako sasagot kasi hindi ko alam. "Hindi mo alam, 'no? That's because you were so both in love, pagkatapos nun, you fell hard again. Nadistract ka. You had your own little world with Seb and she had her own little world. You both were free and happy again. Well, happier."

Napangiti ako ni Kris. Tama naman siya sinabi niya na I really have my own little bubble with Baste. Pumutok lang ito nang ako ay puntahan ni Maine at binigla sa balita na gusto niya makipagbalikan.

"If you still want to, I'm not going to stop you. Ok lang sa akin kasi she's single and even though she wants to get back together, hindi pa buo ang isip ko na iyon talaga ang gusto niya. Ako kasi, pagbibigyan ko lang naman siya to bring my family back together." Huminga ako ng malalim bago ko sinabi ang sumunod na mga kataga. "But, I'm already in love with Seb and I can't just let him go. Kaya she needs to make sure that this is what she wants. Because what I want is my family in the same roof. Kung papayag silang kasama si Seb, then be it."

Ngumiti si Kris. Gumaan naman ang pakiramdam ko dahil first time ko inamin yun sa ibang tao. Kasabay ng pag-amin ko sa sarili ko.

I'm in love with Sebastian Benedict. Fuck everyone's judgements.

Nagulantang kami dahil biglang nag-ring ang doorbell. Wala pa rin akong inaasahan na darating bukod kay Baste, yun ay kung uuwi siya dito ngayon.

Pagbukas ko ng pinto, nagulat ako na pumasok si Alex. Nanlaki ang aking mga mata. Alam naman nito kaagad kung ano ang sasabihin ko kaya naman nagsalita na ito bago pa ako mag-react. "Don't worry. Mom knows. Si Celestine ihahatid din ni mommy mamaya. May taping kasi siya the entire week sa Singapore." Kinuha niya ang maleta niya at dire-diretso na sa loob ng bahay. "Oh yeah, I plan on staying with you longer. Tsaka heads up na din po yun kasi baka mamaya si mommy makahuli sa inyo ni Tito Seb na naghahalikan sa patio." Tumawa ito at dumiretso sa itaas.

Natawa naman si Kris. "Nahuli kayo ni Alex na naghahalikan ni Seb sa patio?" Tumango lang ako at namula ng todo. Humagalpak ng tawa si Kris.

Matapos pa ang mas mahabang kwentuhan pati na rin ang meryenda kasama ang aking anak, nagpaalam na si Kris. "Tol, just a small tip." Tumawa siya dahil narealize niya yung pun na yun. "I know your tip is not small."

"Gago." Tumawa kami pareho.

"Seriously, though. Tell Maine. Mas maganda kung sa'yo niya malalaman. People are starting to figure it out. Well, limited number of people pero baka biglang scandal na yan sa newspaper bukas. Tell her while it's early."

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon