Epilogue

3.1K 33 3
                                    

5 years later - New York City

"Do you take Maine Mendoza to be your lawfully wedded wife?" Ang sambit ng pari.

Di ko akalaing kasama ko ulit si Maine na tatayo sa harap ng altar at maririnig ko ang pagsasabi niya ng I do sa ikalawang pagkakataon.

Tumingin si Maine sa akin at ngumiti bago ibinalik ang kanyang tingin sa babaeng nasa harap niya, si Janine Guttierez. "I do." Ang kanyang sambit.

Ako nga pala ang naging Mister of Honor ni Maine. Dati kasi, ang kanyang pinatayo sa aming kasal ay ang kapatid niyang si Nikki pero ngayon, ako ang kanyang kasama dahil malaki daw ang aking naging bahagi sa pagkakaroon niya ng lakas ng loob para sundan ang kanyang gusto.

Naaalala ko pang sinabi niya sa akin. "You're my person, diba? Kaya nga ikaw mister of honor ko. You've been here for me nung sumikat tayo, ikasal tayo, nung divorce, nung time na mag-explore tayo, hanggang ngayon na ikakasal na ako ulit. Naiinis nga ako sa'yo nauna ka pa ikasal ulit kaysa sa akin."

Bakit nga ba kay Janine siya ikinasal? Kasi fun lang ang gusto ni Nadine, kaya naman humiwalay na si Maine dahil katulad ko 3 years ago, gusto na ulit niya mag-settle down. Nagkataong si Janine ay nagparamdam sa kanya.

"By the power vested in me, I know pronounce you wife, and wife." Ang sabi ng minister. Agad naman lumakas ang hiyaw ng mga kasama namin sa likuran nang sila ay hinayaan na ng pati na humalik sa isa't isa.

Sa mga sandaling iyon, gusto ko din sumugod sa mga nasa bandang baba at puntahan ang aking asawa. Hindi pa kasi tapos ang ceremony kaya naman tumingin na lang ako sa kanya at ngumiti. Ganoon din naman ang kanyang ginawa. Simula noong naging exclusive kami, hindi na kami mapaghiwalay. He became my person and I became his.

Akalain mo, kami ni Sebastian Benedict, na dati'y inaalagaan ko lang, ang nakatuluyan ko.

Akala ko you only get a chance at one epic love. I was wrong. Masaya ako na I got two people to love epically and for them to love me back the same way.

Pagkatapos ng seremonya, agad kong nilapitan si Maine. "Congratulations! Don't lose that smile again my dear." Ang aking sinabi sa kanya, ang katagang dati'y sa akin niya sinabi.

Ngumiti siya at inakap ako. "I won't, as long as you'll be there along the way."

"Always."

"Eh ikaw? Happy ka?" Ang tanong niya sa akin.

Tumingin ako sa kanya, lumingon kay Baste kasama ang aming mga anak ni Maine at ibinalik ko ang tingin sa kanya. "I couldn't have it any other way."

Pinapunta ko naman agad si Baste sa tabi ko at lumapit kami sa dalawang bagong kasal. Inabot ko ang kanilang mga kamay na may wedding rings at pinagtabi tabi kasama ng kamay ni Baste, kinuhaan ng letrato at inilagay sa Twitter.

"Ano nilagay mo?" Ang tanong sa akin ni Maine.

"#ALDUBremarried #BasDen #JaMaine."

"Bakit JaMaine??" Ang nagtatakang tanong ni Maine.

"Para at least totoo na yung JaMaine, diba? May point na yung cakes and cupcakes nila na pinadala." Tumawa kami pareho.

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon