07 Happier

2.8K 55 5
                                    

Present Time

Pagdating ko sa bahay ay agad naman nagpaalam si Baste na aalis siya. Ayaw niya ata malagay sa gitna ng pag-uusap namin ng baby sister kong si Rizza. Pagpasok ko sa aking opisina ay nakaupo siya sa couch hawak ang isang bourbon glass na paubos na ang laman. Nang makita niya ako ay hindi ko inaasahan ang kanyang sinabi.

"Kuya, kung mag-iiwan ka ng bourbon diyan sa gilid, utang na loob, yung mamahalin naman. Lasang luma 'to. Saan mo ba binili 'to?" Nakatingin siya sa kanyang baso at parang diring diri sa iniinom niya.

"Una, that's how it's supposed to taste like. 1864 pa yan, binili ko sa France nung nagpunta kami ni Maine." Ang sagot ko sa kanya. "Second, what are you doing here, Rizza?"

"Can't your baby sister just visit you?" Nagwink ng ilang beses si Rizza bago tumawa ng malakas. "I just need a favor." Tinaasan ko siya ng kilay. "And no, if you say no, I'm not gonna blackmail you dahil may jowa kang lalaki na half your age." Nanlaki ang mata ko. "I'm not judging. Kasi by the looks of that gorgeousness that left kanina, I'd tap that, too. Lalo na kung close kami." Ngumiti siya na parang nag-aasar at tumawa ng malakas.

"Hands-off. He's mine." Ang sagot ko naman sa kanya.

Puta, possessive?

"I knew you'd crack one day." Tumawa ulit siya. "Sa dinami-dami ng gay bffs mo, siyempre ma-kyu-curious ka at one point. Didn't think it'd take a divorce from ate Maine to make you crack."

"Teka, how'd you know?" Ang tanong ko dahil kanina ko pa iniisip kung paano niya nalaman eh ang nakakaalam pa lang ay si Alex, and he was surprisingly okay with it.

"Duh. Remember 3 weeks ago nung nag-paparty ako sa bahay ko? Tinaasan ko lang siya ng kilay. "Who got drunk and made out in the coat closet?" Di ko pa rin maalala. "I have CCTV sa tapat ng coat closet."

"Kinuha ko lang yung mga sapatos namin." Ang sagot ko naman.

"Yeah, you did. And you did more than that. May CCTV din yung coat closet kasi magnanakaw yung isang maid ko dati." Ang tawa niya. Namuti naman ako sa rebelasyon na yun.

"Then, why did it take you so long to tell me?" Ang tanong ko naman sa kanya.

"Siyempre kuya none of my business yun. Hello? Tsaka sinavor ko muna yung moment na panooring ka nakikipaghalikan…and some other things sa coat closet ko." Tumawa siya bago niya itinuloy. "It was hot by the way. Ang cute niyo tignan. Mga 10 times ko pinanood." Ramdam ko ang di maalis na ngiti niya dahil kinikilig ang gaga pati na rin sa lantarang pang-aasar niya.

"Grabe ka sa akin!" Ibinato ko yung backrest pillow ko sa mukha niya.

"Aray naman kuya." Tumawa ulit siya. "I'm happy for you. Haven't seen you that happy since Celestine celebrated her 7th birthday and that was 8 years ago."

Natahimik ako sa sinabi ni Rizza. Hindi ko kasi alam na ganoon pala ang lagay ko. Generally, I'm happy with my life. I was happy with Maine pero it wasn't all rainbows and unicorns happiness. Still, it was the life I desired. It didn't last forever, though. "That's not true."

"I mean I know you are happy. But you're not happy, happy." Ang sagot niya. "I haven't seen you this in love, since pre-wedding and 2 years post-wedding with  Maine."

"Pfff. I'm not…" Ang sagot ko na may pagka defensive pero agad niya akong pinutol.

"Don't even deny it. Ganyan ka naman eh. Denial sa umpisa. Hello? Ganoon din ginawa mo kay Maine. Dineny mo na di mo siya crush pero hulog na hulog ka na." Tumawa nanaman siya ng malakas.

"Fine." Ang sabi ko. Inirapan ko na lang siya tsaka ko ibinalik ang usapan namin sa pabor na gusto niya. "Since you're not blackmailing me, ano yung favor?"

"Ah. Deflecting. Maganda yan. Anyway, I need you to ask Alex to babysit my daughter sa Saturday. Punta kami ng asawa ko sa La Union para umattend ng kasal tapos babalik din kami kinabukasan dahil may aattendan pa kaming kasal sa Pampanga. G?"

"Tita!" Nagulat kami pareho ni Rizza nang biglang sumulpot si Akex sa likod namin. "Bakit ako?"

"I'll take Katherine. Pwede naman ako mag-cancel sa Eat Bulaga sa Sabado. And I really need a break from everything going on." Ang sambit ko bago ko narealize ang mga pinagsasabi ko.

"Why? What's going on bukod sa inyo ni Seb?" Ang tanong agad ni Rizza.

"Well, mom wants him back and, I take it, after today's meeting with mom, di mo pa din sinabi na you like bananas and cream na instead of peaches and cream?" Ang pag sagot ni Alex.

Nilakihan ko siya ng mata. "Get your smart-mouting ass up your room, right now, dahil kung hindi, di mo matatanggap yung sasakyan mo kahit makapasa ka sa Ateneo." Agad naman itong tumawa at nagmadali pa-akyat ng bahay.

"Oh my God! Jay! Pwede na kayo mag threesome!" Humagalpak ng tawa ang gaga kong kapatid.

Well, that's a thought.

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon