08 In Love

2.5K 57 4
                                    

Present Time

"All done?" Ang tanong ko pagkatapos ni Katherine kumain. Nakangiti ako sa kanya. Kasama din namin si Alex dahil mamayang gabi pa ang alis niya. Iyon ay kung matutuloy pa siya.

"Yes po, tito." O sige, go with kuya Alex up to his room. You two can continue playing video games up there." Ang sagot ko naman habang kinukuha ang mga pinagkainan nila at pinapasok sa dishwasher.

"Let's go!" Sinamahan naman ni Alex ang 9 year old cousin niya sa taas. Mabuti na lang at close yung dalawa dahil hindi ko alam gagawin ko pag ako lang naiwan. Baka panoorin ko lang siya ng napakaraming cartoons.

Pag akyat na pag akyat nila ay tumunog ang doorbell at pag bukas ko ng pinto, si Baste ang tumambad sa akin. "O, di ka nag Eat Bulaga?"

"Nope. May photoshoot ako for Bench Body kanina para sa Naked Night fashion show." Nagpanting ang tenga ko.

"Sasali ka ba talaga doon?" Ang tanong ko sa kanya habang kami ay papunta sa family room. "Kasi…" Napatigil ako. Hindi ko alam ang idadahilan ko sa kanya. Kita ko naman na napakagat siya ng labi habang nakangiti.

Tangina, nang-aakit si mokong.

"Kasi ano?" Hinimas niya ang hita ko habang nakatitig sa akin.

"Kasi selfish ako." Iyon na lang ang sinabi ko. Naisip ko na pwede na iyon.

"Bakit ka selfish sa akin? Wala naman tayong label. Ang label natin diba just for fun?" Napakalapit ng mukha niya sa tenga ko at halos kagatin na niya ang earlobe ko sa pagsasambit niya ng bawat salitang iyon.

"Stop!" Napatayo ako at medyo naitulak ko siya. Nagulat si Baste sa nangyari. "I'm sorry. I'm just…" umupo ulit ako,  hinawakan ang kanyang mga kamay at inilapit ko ang noo ko sa noo niya. "I need to tell you something."

"Shit." Nagulat ako sa reaction niya. "You didn't mean it." Lumayo siya sa akin at tumayo. Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya at hinila pabalik sa akap ko.

"I love you. Di ko dapat sa telepono sasabihin iyon." Huminga ako ng malalim bago ko hinawakan ang kanyang mukha. "And it's not just the I love you that I tell you eversince. It's I'm in love with you at sobra ang takot ko." Nagulat ako nang ngumiti siya sabay hawak sa mukha ko at ako ay hinakikan niya.

Siya ang unang bumitaw. "Alam mo, ang tagal ko nang hinihintay sabihin mo iyon. Like mga 5 weeks na. The sex, amazing as it is, is not enough for me anymore. I want you. The entire package. The complicated. You." Inakap ko siya ng mahigpit.

"One problem." Nagulat siya sa idinagdag ko. "Maine wants me back." Inabangan ko ang magiging reaksyon niya. Alam ko kasi na magagalit siya.

Hindi pala.

"I'm game with an open relationship. As long as it's just me, you and Maine." Kumunot ang noo ko. Takang taka sa naging reaksyon niya. "Wag ka magulat, pero I know I can't compete with whatever you two had at kung gusto niya siya balikan ka, ok lang. She's your epic love. Your soulmate. Your person. I can't let you choose."

Nung oras na iyon, lalo kong minahal si Baste. Di ko lang alam kung papayag si Maine sa ganoong mangyayari. I still have to tell her who I'm dating.

Baka ibato niya ako pabalik sa Philippine Arena pag sinabi ko na sa kanya. O kaya ipakain kay Maye dahil mare-realize niya all these years tama yung gagang mulat na iyon.

Nagulat ako sa pagdating ni Alex sa family room. "Nakatulog po si Katherine. If you two want to have sex, do it in your room. Ako kaya naglinis kagabi nung mga kalat na iniwan niyo. What if mom comes home and barges into you two or yung kalat niyo?" Kinuha niya ang Playstation controller at umupo sa couch sa gitna namin ni Baste.

Agad kong hinatak si Baste at dumiretso na kami sa kwarto, but not before I turned and saw Alex na ngiting aso at umiiling.

Natau-trauma na ata ang anak ko.

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon