09 Bourbon

2.4K 56 9
                                    

Present Time

Pagdating ng Lunes ay natahimik ang buong kabahayan ko. Pagkasundo kasi namin ni Alex kay Celestine kahapon ay idiniretso ko na sila sa bahay ni Maine. Unfortunately on the ride to her place, di ako nakatakas sa dalawa kong anak. Kasama pala ni Alex ang kapatid niya nang madtnan niya kami ni Baste sa kwarto ko noon. "At keast may taste si Dad diba? Now I know kung saan ako nagmana." Ang sabi ng bunso kong anak. Di ko maiwasang mahiya sa dalawang anak ko.

"That doesn't mean hahayaan kita mag-boyfriend agad agad ha." Ang sabi ko kay Celestine. Tumingin naman ako kay Akex mula sa rearview mirror. "Pag yang kapatid mo nagkaroon ng boyfriend, sisiguraduhin kong wala kayong sasakyan pareho." Pinandilatan ni Alex si Celestine.

"Dad, promise, wala akong boyfriend." Ang sagot niya sa akin. Agad ko namang naisip na maaaring iba ang preference ng anak ko.

"Or girlfriend." Ang dinagdag ko.

"Yes dad. Wala akong boyfriend or girlfriend. At tsaka bakit ako lang? Bakit si kuya walang rules na ganyan?" Nakasimangot si Celestine.

"Aba. Behave ako. Promise ni Dad pag behave ako, yung Audi ang bibilhin niya sa akin." Ang sambit ni Alex.

"No fair!" Ang sigaw ni Celestine. "Dad! Pag ako behave din kailangan maganda din sasakyan ko!" Ang saad ni Celestine.

"Sige na. I promise kapag ikaw..." inemphasize ko ang sumunod na mga salita. "At ang kuya mo..." Tinignan ko sila pareho. "...bibilhan kita ng Porsche." Abot langit naman ang ngiti ni Celestine. "College time people, dun niyo matatanggap ang mga sasakyan. Kailangan behave kayo until that time. And I also want to see grades na nasa line of 9 bukod sa conduct niyo."

"Easy." Ang sagot sa akin ni Alex.

"Ako pa ba?" Ang dagdag naman ni Celestine.

Nangyari lahat iyon habang kami papunta sa bahay ni Maine kung saan ibinaba ko lang sila at ako naman ay umalis na. Si Baste naman ay wala dahil umuwi muna siya sa kanyang condo dahil kailangan niya mag-ayos ng mga gamit. Eat Bulaga week nanaman kasi and being a regular host doon, kailangan niya mag-stay sa malapit.

Sa sobrang tahimik ay hindi ako mapakali. Wala kasi akong balak magtarbaho ng Lunes na iyon at wala din akong lakad kaya naman I was bored out of my mind. Nagdecide na lang ako manood ng TV. Sakto naman pagbukas ko ay may interview si Nadine sa Magandang Buhay.

"Kamusta ka naman? Alam namin na recently lang diba naghiwalay kayo ni James Reid." Ang sambit ng unang host.

"It wasn't really recently naman. Matagal tagal na din. Like 6 months ago. I've moved on na. I'm happy. Well, happier." Sagot ni Nadine. Bakas sa mukha niya na totoo ang sinasabi niya.

"Wow. Happier? Oh my gosh mga mumshies! May nagpapakilig na ba ulit sayo Nadine?" Ang tanong ng pangalawang host.

"Actually, yes pero it's too early to tell. We're still just having fun at the moment eh. Matanda naman na kami." Tumawa si Nadine pero at that moment, alam ko na kaagad ang iniisip niya.

Yang having fun na yan? Line ko yan.

Nagulat na lang ako nang biglang mag-ring ang doorbell. Wala naman ako inaasahan ngayon at di ko alam bakit mapakaraming dumadating na tao.

Pagbukas ko ng pintuan, nagulat ako na nasa harapan ko ang best friend kong si Kristoffer Martin. "Oh! Napadaan ka? Pasok ka." Inakap niya ako at dumiretso kami sa dining room. "Coffee, tea, water, bourbon?"

"Aga pa para sa bourbon, tol." Tumawa kami pareho dahil that didn't stop us before.

"Bourbon it is." Kinuha ko ang 10 year old bourbon ko na nasa cupboard at kumuha ako ng dalawang baso. Siya naman ang kumuha ng yelo sa freezer. Kabisado na niya ang bahay dahil never ko naman siya tinuring na bisita.

Pagkaupo namin ay agad niya naubos ang unang salin na ginawa ko sa kanyang baso. "Yep. That's still good."

"Tol, I'm all for company dahil I'm bored out of my mind pero you have to tell me what you're doing here at this hour." Ang sabi ko sa kanya. "And you drinking bourbon ng ganitong oras…well, something is up."

"Can't I just visit my very best friend?" Ngumiti siya pero ramdam ko na mayroong kakaiba sa ngiti na iyon. "Just kidding. Tol, sino kasama mo kahapon?"

"Mga anak ko? Bakit?" Takang taka ako sa mga nangyayari.

"No. I mean after that. Sa Tagaytay. Dun sa parking na overview ang Taal." Kinindatan niya ako.

"Wait, you were there?" Kinabahan ako. Kilalang kilala ko kung sino ang kasama ko doon. At alam na alam ko din kung anong ginagawa namin.

Hello, sight seeing ng taal lang kaya yun. With clothes off.

"Yep. Di mo nakita yung saaakyan ko kasi yun yung bago. Di niyo pa lahat nakikita yun. Kakadeliver lang 3 days ago." Ngumisi siya. Halatang nang-aasar at nang-huhuli. "Gusto mo dikta ko pa yung plate number mo?"

Pinagpapawisan na ako ng malamig. Di ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko rin naman alam kung ano ang nakita niya.

"Wala kang proof." Ang sabi ko sabay tawa pero agad niyang nilabas ang kanyang telepono at confirmed na sasakyan ko nga iyon at nakita niya nga ako.

"You want to be honest or do you want to see the rest?" Ang tawa niya.

"The rest?" Nanlaki ang mga mata ko.

"Joke lang. Walang rest." Tumawa aiya dahil kitang kita na niya ang nerbiyos sa mukha ko. "Pero siyempre lumapit ako dahil nacurious ako bakit umaalog yung kotse. It was a good thing ako lang andun."  Namuti na ako. Alam ko na ang kasunod. "Why didn't you tell me? Alam mo namang di kita ijujudge." Ngumiti siya sa akin, ngiting kinikilig para sa akin.

"How do you tell your best friend that?" Ang tanong ko sa kanya. Nakangiti na ako, pero di ko pa din inaasahan ang lumabas na mga salita sa kanyang bibig.

"The same way how I'm supposed to tell you na I've been seeing your ex-wife?" Nabigla ako sa sinabi niya at nabigla rin siya sa sarili niya. Agad naman niyang kinuha yung bourbon, pinuno ang baso at tsaka inubos ng isang bagsakan. "There's more to the story, I just can't tell you the rest. Yung part ko lang ang sinasabi ko sa'yo dahil I can't keep doing these kinds of things without telling my bestfriend."

Nagulat na lang ako dahil yung kamao ko ay tumama na sa mukha niya at tumumba ang inuupuan niya.

Oh fuck!

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon