12 Bro

1.9K 37 7
                                    

Kinabukasan, matapos umalis ni Baste para sa Eat Bulaga ay di ako mapakali. Ako naman ay hindi nakaschedule na mag-Eat Bulaga kaya hindi ko siya nasabayan papunta. Medyo kumalma din ako ng kaunti dahil hindi ko makikita si Maine ngayon. Pagkatapos kasi ng pag-uusap namin kahapon ay hindi na ako mapakali.

"Dad, papasok na kami ni Rizza sa school. Baka lang gusto mo kami ihatid." Wala ako sa wisyo kaya naman ang ginawa ko ay hinugot ko ang telepono ko at kumuha ng Lyft tsaka ko sila inabutan ng pamasahe at pambaon.

"Kaloka si itay! Hinayaan mag-commute ang mga anak. Father of the year." Tawa ng tawa si Celestine habang sinasabi iyon pero di ko ito masyado napansin.

"Based on what I heard last night, gusto ni mommy makipag-threesome sa kanila ni Tito Seb." Ang sambit ni Alex habang pigil na pigil tumawa. "That in between 'Oh shit', 'Faster', 'Harder', tsaka 'Fuck me' nila kagabi." Tumawa ang magkapatid.

Tinignan ko sila ng masama. "You two are…"

"Grounded? Nako. Walang epekto yan dad. Hello, finals na kailangan ko mag-aral. Mas ok yan kung gagawin mo sa'min." Ang sabi ni Celestine. Di na niya ako pinatapos.

"Oo nga dad. Kayo lang naman ni Tito Seb ang nakakadistract sa'ming dalawa. At least mas quiet kayo kaysa kina mommy." Tumawa sila pareho pero agad naman napahawak si Alex sa kanyang bibig nang ma-realize niya ang sinabi niya. Tatanungin ko sana siya ngunit dumanating na ang Lyft driver nila.

"Bye dad! See you later. Sunduin mo kami, please!" Ang sabay na sambit ng dalawa. Napailing na lang ako at natawa.

I can't believe I have two perfect children. I raised them well. We raised them well.

Dumiretso na ako sa opisina ko upang magtrabaho pero wala pang sampung minuto nang narinig ko nanaman ang doorbell ng bahay. Di na ako nagulat dahil lagi nang may unexpected guest na dumadating dito.

Pagbukas ng pinto ay laking gulat ko na si Rodjun ang dumating. "Bro!" Pumasok ito at agad akong inakap. "Napadaan lang ako since I was around the area. Nasa hotel pa sa Nuvali sila misis. Hanggang bukas kami doon. Nagpaalam lang ako saglit. I can't just not drop by kung andito ka lang sa malapit." Ngumiti naman ako dahil naalala ako ng bestfriend ko. Niyaya ko siya pumasok at inalok ng maiinom at ng makakain. "Waterwould be fine bro. Ako na bahala. It's not like I haven't been here before." Tumawa lang ako.

"Oo nga. Di ka naman na bisita dito sa bahay ko ever." Tumawa rin siya, uminom ng tubig at pagkatapos ay hinugasan ang baso. "Bro, pabayaan mo na yan. Ako na bahala." Ang sabi ko pero tinuloy pa rin niya.

"So, sinabi mo na ba kay Maine?" Ang kanyang tanong habang nakatalikod sa akin at naghuhugas ng baso.

"Ang alin?" Ang tanong ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at huminga ng malalim.

This is not good. Don't tell me, alam na din niya??

"You know you can tell me anything, right?" Ang sagot niya sa akin. "Wala ka naman dapat itago sa akin. Bestfriend kita eh." Ang dagdag niya.

"Fine. I'm dating Sebastian Benedict and I've never been happier. Is that what you want to hear?" Nagulat ako nang bigla na lang niyang mabitawan ang baso. Halata sa kanyang mukha ang gulat sa nabagsak na baso pero mas ramdam ko ang gulat niya nang sabihin ko sa kanya ang totoo. "Hindi yun ang tinatanong mo. Shit!" Agad akong kumuha ng walis at lumapit sa kanya upang walisin ang nabasag na baso. "I'm sorry. Nabigla ka."

"No. It's fine. Nagulat lang ako. I mean ang ibig ko sabihin yung painting na isinabit no sa sala. Yung ipinadinala ko sa'yo." Ang sagot niya sa akin. "Nakasabit kaya akala ko you want her back or nagkabalikan na kayo."

"Itatapon ko muna ito and we'll talk. I'll tell you everything and how my life is one big bowl of complicated fuck ups right now." Ang sabi ko sa kanya. Natawa naman ito at tumango.

Pagbalik ko ay ikinuwento ko lahat kay Rodjun at pagkatapos noon ay inakap niya ako. "I'm glad that you were honest. You're still my best friend. Wala namang magbabago doon no matter who you date." Nguminiti lang siya at ramdam ko na totoo ang kanyang mga sinabi sa akin.

That wasn't so hard. Baka sa susunod sabihin ko na sa iba pa naming kaibigan.

Nagpaalam na siya na aalis na siya dahil tunog na ng tunog ang kanyang telepono. "Nagpapasundo na si misis. I'll see you again soon, bro." Nagulat na lamang ako nang bigla niya akong hatakin at halikan sa labi.

Shit! Ang lambot ng labi niya.

Napalaban ako. Hindi ko akalaing mapapalaban ako. Matapos ang ilang mga minuto ay siya ang pumiglas. "I'll see you, Seb and Maine soon." Ang kanyang sambit sabay kindat at doon na siya lumakad paalis at isinara ang pintuan habang palabas na.

What the fuck is happening around me?

Beyond Screwed #Wattys2018 (An ALDUB | MAICHARD #imaginepamore Spin-off)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon