Kabanata 1

16.4K 562 18
                                    

Kabanata 1

"Hindi ako makatulog, Iko."

Napatingin ako kay Iko na nakatitig lang din sa akin. Nginitian ko siya. Siguro hindi rin siya makatulog.

"Bilog ba ang buwan ngayon?" tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya.

"Labas tayo, labas," paanyaya niya. Ngumiti naman ako saka sumang-ayon sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala namang orasan dito sa gubat. Pero kung hindi ako nagkakamali, malapit nang mag-alas onse.

Napabuntong hininga ako nang makababa kami ni Iko mula sa puno. Napatingin ako sa langit. Bilog nga ngayon ang buwan, kagaya ng sinabi niya. Nakagawian na naming lumabas sa t'wing bilog ang buwan. The sky is clear and the wind is warm. Perfect para magstar gazing. Looks like the moon's beauty is hypnotizing us.

"Ang ganda 'di ba?" tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. "As usual."

Muli akong napatingin kay Iko. He was looking at me na para bang may hinihingi. Napakunot ako nang noo.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kaniya. Ngumiti naman siya nang pagkalapad-lapad. I rolled my eyes kung kaya't narinig ko siyang humalakhak.

Pinikit ko ang mga mata ko saka tinuon ang pansin sa gagawin. It's for Iko. Napangiti ako nang maalalang bukas ay espesyal na araw. Apat na taon mula ngayon, nakita ko si Iko sa ilalim ng puno kung saan ako nakatira ngayon.

Please do me a favor. I whispered in my mind.

Pagkamulat na pagkamulat ko, saka ko nakita ang nagsisiliparang mga kalapati. Napalingon ako kay Iko saka ko nakita ang saya sa mga mata niya. Napangiti ako dahil doon.

"Nagustuhan mo?" tanong ko sa kaniya. Tumango siya sa akin saka ako niyakap.

"Antok ako," sabi niya kung kaya't napatango ako. Agad naman siyang sumakay sa balikat ko.

Akmang aakyat na ako pabalik nang may marinig na pumutok. Nagulat naman ako nang makitang may isang nahulog sa mga kalapating nagsisiliparan kanina.

Agad akong lumapit dito. Hindi agad ako nakagalaw nang makitang may tama ito nang baril.

"You're dying," I whispered. "Sinong may gawa nito-"

My words are cut nang may narinig pang isang putok. Agad akong tumakbo kasama si Iko sa likod ng isang puno nang may marinig na paparating.

"Ayusin mo pag-asinta!" sigaw nang isa sa kanila. "Marami pa, o!"

"Mahirap kaya silang patamaan!" sigaw niya.

"Ang sabihin mo, hindi ka marunong," saad no'ng isa sa kanila. "Akin na nga!"

Kasabay noon ang isa pang pagputok nang baril. Napapikit ako nang marinig ang mga tawa nila. Napatakip ako ng tainga nang marinig ang sunod-sunod na pagputok ng baril.

I felt nauseous when I heard many animal's scream because of fear. I almost scream too when I felt Iko's hug.

I need to stop them. Bakit may mga mangangaso ulit rito? The last time they're here, inatake sila ng mga uwak. Hindi pa ba sila nadadala?

"Tigilan niyo na nga 'yan!" pigil ng isa sa kanila. "Nandito tayo para manghuli, not to kill them."

"Come on," one of them said. "Kailangan naming makaganti the last time we were here. Palibhasa wala ka no'n."

"I don't care. Malaki ang pinangbayad sa 'tin. We need to do our jobs," saad niya.

I closed my eyes nang may sumagi sa isip ko. I asked him to help us. But he just pushed me away, na lubayan ko na raw siya.

Wages Of SinWhere stories live. Discover now