Capitulum 03

5.4K 314 17
                                    

Huminga nang malalim si Nico at lumabas ng kanyang opisina. The moment he stepped out of the office, agad siyang sinalubong ng kapwa niya detective.

"Yuki, mukhang may lakad ka ah? Nabalitaan ko sa admin na may bago kang kaso. Nice one!" Nakangiting bati sa kanya ni Dan. His thick round eyeglasses making his eyes look a couple of times bigger. Napangiwi si Nico sa palayaw at tumango.

They stepped into the elevator. May mangilan-ngilang agents ang nandoon.

"Err... thanks."

Nico pressed the button to the ground floor.

"I don't know the details. Pero, may tsismis na ipa-partner ka raw sa taga-SHADOW!"

Nanlaki ang mga mata ni Nico at maging ang mga kasabay nila sa elevator ay nagulat. Mabilis niyang tinakpan ang bibig ni Dan, "For Sherlock's sake! Keep your voice down!" Tinulak naman siya nito at natawa. "Eh 'di totoo nga? Dude, that's suicide!"

"Shh!"

"HAHAHAHA! Good luck, Yuki!"

Napabuntong-hininga na lang si Nico at laking pasasalamat niya na lumabas na ng third floor ang maingay na kasamahan. Hindi na lang niya ininda ang mapanuring tingin ng ibang agents. 'Mukhang mapapahamak pa ang reputasyon ko sa kasong 'to!' he bitterly thought.

Tinatamad niyang nilakad ang distansya patungo sa lobby. The large expanse of black tiles and gray walls stretched as far as the eye could see. Nadaanan niya ang ilang agents na aligaga sa tina-trabahong mga papeles. 'Low class cases, as usual.' Mas naaawa siya sa mga ito. They get worthless cases on a daily basis and Nico couldn't imagine himself wasting his precious time on such mediocrity!

"I could only hope this heartless case will be my salvation from boredom," mahina niyang bulong sa sarili kasabay ng pagsilip sa relo. Less than an hour away from meeting his so-called partner.

Sa paglabas niya ng gusali, natanaw niya ang ilang pinto na nasa kabilang bahagi ng pasilyo. A particular vault caught his attention. People call it the "Void". It was heavily guarded with the best technology money can buy. Naroon nakatago ang mahahalagang dokumento ng kompanya. Napapailing na lang si Nico sa trip ng tiyuhin niya.

*

Tiningnan ulit ni Nico ang nakasulat sa papel.

Night Sparrow's Tea House,
9:00 a.m.

Sinilip niya ulit ang oras sa kanyang relo at huminga nang malalim. Ilang sandali pa ay tinulak na niya ang pinto ng shop. He's ten minutes early, but it's better to make a good first impression. Ito ang unang pagkakataon na magkakaroon siya ng ka-partner and he's not happy about it. Pagkapasok niya sa loob, agad siyang nagpunta sa pinakadulong pwesto at naupo rito.

Nico's Rule #1: "Laging umupo sa pinakadulo o pinakasulok. That way, it'll be easier to spot any suspicious persons. It also helps avoid the risk of being attacked from behind."

Several staffs are buzzing their way around the place, serving freshly brewed tea to customers.

He started observing them one by one. Dumako ang mga mata niya sa magkasintahang nakaupo malapit sa bintana.

Nico smirked to himself.

"The girl is three months pregnant, no older than 17, half-Spanish, engaged sila ng nobyo niya and that's probably the reason why they're going to marry each other next month. Base sa kilos ng lalaki, napipilitan lang siya at nakakapagtakang hindi pa nakikita ng fiancé niya ang marka ng lipstick sa kanyang leeg. Imposibleng ang fiancé niya ang may gawa 'non dahil iba ang kulay nito. Persian purple. It looks fresh, approximately 3 to 4 hours prior to this stupid date of theirs." Bahagyang ipinikit ni Nico ang kanyang mga mata. The information is rushing inside his head. Bakit ba ang tagal ng kikitain niya?

"Eastwood's greatest detective knows a specific color of lipstick? That's surprising."

Napamulat siya ng mga mata nang may nagsalita. Balot na balot ng kulay abuhing coat ang bagong dating at nakasuot pa ito ng sumbrero. Naupo ito sa tapat niya. Nico's calculating eyes rested on the person in front of him.

"I don't frequently read magazines, pero kung hindi ako nagkakamali, ang second best detective ay isang SHADOW agent na nagngangalang 'Brian'."

Ngumiti ang estranghero na natatakpan pa rin ang mukha.

"I want to keep my identity in check," Sabi nito bago inalis ang suot na sumbrero. Pinanood ni Nico ang pagbagsak ng kanyang kulay rosas na buhok. The agent outstretched her hand, a sharp look in her eyes.

"I'm Briannova Carlos."

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon