Capitulum 18

2.6K 167 5
                                    

Napabuntong-hininga na lang si Minnesota sabay tapik sa pisngi ni Feralda, "Hoy, Fe! Naka-duty tayo!" Pero nainis lang siya nang pumikit muli ang mga mata nito. 'Hindi naman kami nagtagal sa party kagabi pero bakit parang puyat ang isang 'to?' Isip-isip ni Min habang inaayos ang mga gamit sa reception area.

Mabuti na lang talaga't hindi masyadong busy ngayon.

Kagabi lang matapos nilang maki-party sa birthday ng kaibigan nitong si Sasha, nagpaalam agad si Fe na may lakad pa raw ito. Minnesota isn't one to pry on her friend's personal life, but she noticed her odd behavior. Para itong nagmamadali kagabi. Emergency? Siguro nga. Pero anong emergency ang posibleng mangyari ng madaling-araw?

In the end, Min just shrugged it off and went home by herself. 'Pasalamat talaga siya't nag-enjoy naman ako kahit papaano!' Kung hindi, baka kanina niya pa nabungangaan ang kaibigan sa pag-iwan niya rito.

"Fe? Hoy, gising na!"

KUNG mabubungangaan niya. Pero base sa panis na laway pa ng kaibigan, mukhang imposible yata ang bagay na 'yon.

Napapailing na lang si Minnesota. That's when she noticed Feralda's phone. Kanina pa ito naglalabas ng notifications ng text messages. Sunud-sunod. 'May kaaway na naman kaya ang bruhang 'to?'

Gustuhin mang makialam ni Minnesota, pinili na lang niyang manahimik. Baka mag-away pa sila kung makikisawsaw siya sa mga bagay na 'di niya dapat pino-problema. Kahit na may pagka-tsismosa rin siya minsan, ayaw niyang magkalamat ang pagkakaibigan nila.

Sumandal na lang sa upuan si Minnesota at inayos ang name tag. Dumapo ang mga mata niya sa kwintas na bigay ng nanay niya noong naka-graduate siya ng kolehiyo. It was a silver necklace with a star pendant. May maliit na logo pa ito ng Eastwood Jewels. Malamang naka-sale lang ito noon kaya binili.

Nonetheless, natutuwa siya sa munting regalo ng nanay niya.

Ang nanay niyang gulung-gulo pa rin sa paggamit ng iPhone at napag-papalit pa rin ang cellphone numbers nila.

"Si mama talaga..."

Mahinang natawa si Minnesota at hinayaan na lang matulog ang kaibigan.

----

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now