Capitulum 23

2.3K 165 5
                                    

"Mamaya ka na umalis. Para namang ayaw mo na sa'kin."

Sa sinabi ng binata, lumawak ang ngiti ni Thami Esteban at hinalikan muli ito sa labi. She climbed on top of him and gripped his muscular shoulders for support. 'Mukhang sabik na naman 'to sa'kin,' she thought and pressed herself on him, "Ilang buwan na tayong ganito, ngayon pa ba ako aayaw sa'yo?"

Nang umungol ang lalaki, maharot siyang tumawa at umalis sa kandungan nito. She smirked down at him and started picking up her clothes on the floor.

"Ilang buwan na nga tayong may relasyon nang 'di naman tayo nahuhuli ng gago mong boyfriend. Bakit ba 'di mo na lang iwan?"

Thami finished zipping her dress and glared at him, "Nababaliw ka na ba? Ang laki ng pakinabang ko sa isang 'yon! Sayang naman kung hihiwalayan ko." At kinuha niya ang make-up kit sa bag. Habang nagli-lipstick sa harapan ng salamin, napansin niyang lalong nainis ang kasama.

'Ang hot pa rin niyang tingnan kahit galit siya,' at naramdaman muli ng dalaga ang init sa pagitan ng kanyang mga binti. Oh, the temptation!

"Hindi ka pa ba kuntento sa'kin? Nakakagago na, Thami."

"Oh please, Philip. Let's not talk about this again. Nakakasawa na."

"Nagsasawa ka na? Tsk. Lagi ka namang nagsasawa. Pang-ilang lalaki mo na ba ako?"

Mahinang natawa si Thami nang hindi na niya masagot ang tanong na 'yon. Pang-ilan na nga ba? Nakalimutan na niya. She never even thought she'd end up sleeping with her own gym instructor! Sulit ang ilang beses niyang pagpapapansin kay Philip noon. 'Tutal naman, hindi naman ako mahuhuli ng boyfriend ko, 'di ba?'

Tumayo na siya't sinipat ang relo. 9:06 p.m.

"I need to go. See you tomorrow." At kinindatan pa niya ang binatang halos mamula na sa inis. Yes, she just left him sexually frustrated in his own bed! Bahala na muna siya.

Thami Esteban needs to go home.

Mabuti na lang talaga at may mga jeep pa ng oras na 'to. Sino bang niloloko niya? Twenty-four hours ang transportasyon dito sa Eastwood! Fortunately, she lives only a few blocks away from Philip's condo. Hindi na masyadong hassle makipag-landian.

Pero habang naglalakad siya papasok sa kanilang eskinita, she felt something strange.

Tumigil siya sa paglalakad at dumungaw sa kadilimang bumabalot sa paligid. 'Teka, kailan pa nasira ang streetlight na 'yon?' she forced herself to ignore everything---even the chill that ran down her spine.

It feels like someone is watching her, anticipating her every movement.

Umiling si Thami at hinigpitan ang hawak sa kanyang handbag. Tinatakot lang niya ang sarili niya. "Dapat pala doon na lang ako nagpalipas ng gabi. Tsk!" At nagpatuloy lang siya sa paglalakad. Her heels clicking lightly in the empty alley.

Pero dumoble lang lalo ang kanyang kaba nang marinig ang yabag ng mga paa sa kanyang likuran, sinasabayan ang kanyang paglakad. Suddenly, the air felt a bit more heavier. Tila ba kinakapos siya ng hininga sa reyalisasyon.

May sumusunod sa kanya.

"Shit!"

At tumakbo na siya papalayo. Hindi na niya alintana kahit pa nabitiwan na niya ang kanyang bag. Nararamdaman niya ang presensiya ng isang tao sa kanyang likuran. "Shit! Aaaaaah!" Thami Esteban ran until she tripped on her own heels. Nang sinubukan niyang tumayo, huli na.

Someone grabbed her arm and almost broke her bone. Napaiyak siya sa sakit at nang makita niya ang mukha ng taong umatake sa kanya, halos manlata siya.

Those empty eyes can only belong to the devil himself.

Sinubukan niyang sumigaw, pero agad rin nitong tinakpan ang kanyang bibig. Tuluyan nang binalot ng takot ang pagkatao ni Thami nang kaladkarin na siya nito patungo sa isang abandonadong pabrika. Sinubukan niyang magpumiglas pero sadyang mas malakas ang lalaki sa kanya.

"Aray!"

Nagawa niyang galusan sa mukha ang lalaki. Her manicured fingernails scratched his cheek, leaving a shallow cut visible.

Nagawa niya itong galusan, oo...

Pero agad niya rin itong pinagsisihan.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now