Capitulum 56

1.9K 146 4
                                    

F R I D A Y

March 01, 2019
Eastwood

---

"Feralda?"

Nararamdaman niya ang mahinang pagtapik sa kanyang mukha. Noong una, akala ni Fe ay isang panaginip lang ang lahat---mula noong nakipagsabunutan siya kay Bernadette sa mall, pang-iiwan sa kanya ni Fred sa ere, at ang pagkidnap sa kanya ng isang 'di pamilyar na lalaki. 'Maybe it was all just a bad dream. Baka maging maayos ang lahat paggising ko,' isip-isip niya. Pero kailan ba umayon kay Fe ang tadhana?

"Fe?"

That voice. Naramdaman na naman niya ang pagtapik sa kanyang mukha. Unti-unti, nagmulat ng mga mata si Feralda. When her eyelids fluttered open, unang sumalubong sa kanya ang mukha ng boyfriend niyang si Renzo. Nag-aalala ang ekspresyon nito. When he saw she was awake, agad siyang niyakap ng nobyo. "Thank God you're safe! A-Alam mo bang ilang oras na kitang hinihintay magising?"

Lalong humigpit ang yakap sa kanya ni Renzo. Napangiti si Feralda, 'He's too good for me.' Ramdam niya ang pagmamahal sa kanya ni Renzo. Why the fuck did she hook up with Fred anyway? Now, Fe regrets everything.

"A-Ayos na ako.."

"Tangina, alalang-alala kami sa'yo... Ano bang nangyari?"

Natahimik sandali si Feralda, "N-Nangyari?" Kumalas mula sa pagkakayakap si Renzo at seryoso siyang tinitigan sa mata, "Fe, halos libutin na namin ng mga magulang mo ang buong Eastwood kanina. Nakita ka ng mga tao sa isang gasolinahan, wala kang malay at nakatago sa likod ng mga halaman. How did you get there, anyway?"

Kumunot ang noo ni Fe. 'Gasolinahan?' Just then, wisps of memories flooded her mind. Bigla siyang napabalikwas ng bangon nang maalala ang ilang detalye. She was almost kidnapped! May pampatulog 'yong panyong pina-amoy sa kanya 'nong lalaki! And then...

"S-Si Minnesota!"

Hindi niya masyadong matandaan. Pero parang narinig niya kanina ang boses ni Min kahit pa hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. While she was unconscious, Feralda could vaguely recognize her bestfriend's voice. It felt like she was submerged underwater, while somebody was talking to her by the surface. The sounds were muffled and the words unclear...but it was there.

Minnesota Gervacio's presence. Hindi maipaliwanag ni Fe, pero ganoon siguro talaga kapag matagal na kayong kambal-tuko ng bestfriend mo. They feel like an extension of who you are.

Realization slapped her in the face. Tumulo ang luha ni Fe, kahit na hindi niya ito namamalayan. "N-Niligtas niya ako... Renzo, nasaan si Min?!"

Napailing si Renzo, "Hindi rin namin siya makontak kanina pa. Hindi pa raw siya umuuwi sa kanila..."

'Shit!' Mabilis na bumangon si Feralda mula sa pagkakaupo sa higaan at tiningnan ang orasan sa pader: 1:24 a.m. They were inside the comforts of her own bedroom, but it did nothing to comfort her now. Bigla siyang kinabahan sa sinabi ni Renzo. Para bang nanlamig ang kanyang katawan sa naiisip. Masama ang kutob niya rito.

"Renzo, baka kinuha niya si Minnesota!"

"Ha? Sino?"

Tears rolled down Feralda's face. Kasalanan niya! Damn it, kasalanan niya ang lahat ng ito! Ngayon, nalalagay sa panganib ang buhay ni Minnesota nang dahil sa kanya! Feralda hates herself. At hindi niya alam kung mapapatawad niya pa ang sarili niya kung may mangyaring masama sa bestfriend niya. Mabilis siyang kumuha ang jacket at tumakbo palabas ng bahay.

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon