Capitulum 13

3K 192 10
                                    

M O N D A Y

---
February 25, 2019
DEATH's headquarters, Eastwood
7:12 a.m.

Tumitig si Nico sa kisame. Sa mga ganitong pagkakataon, para bang humihiwalay ang isipan niya sa reyalidad. 'Mas masaya pa ito kaysa sa astral projection,' isip-isip niya habang inaayos ang mga impormasyon sa kanyang mental storage cabinet.

'Cassio Gonzales Salvador, ipinanganak noong May 15, 1981 sa Tondo, Manila; lumipat sa Eastwood noong 2000, nagtapos sa Eastwood Central University, naging businessman, ikinasal kay Gwendolyn Alverez noong March 2, 2006...'

"...then he killed her last April 2008." Pagtatapos ni Nico sa boses sa utak niya habang nakatitig sa kisame.

Paulit-ulit ang mga impormasyon sa utak niya, like a mantra of a cult ritual. Huminga siya nang malalim at ipinikit ang mga mata. Sumasakit na naman ang ulo niya. Halos makabisado na niya ang biography ng lalaking 'yon, pero wala pa rin siyang napapala.

"Yuki!"

Mas lalo yatang sasakit ang ulo niya.

'Bakit nga ba tinanggap ni uncle ang isang 'to?' Nagmulat ng mata si Nico, bumungad sa kanya ang nakakairitang mukha ni Dan. Nakabaliktad.

"Err... Yuki, bakit nakahiga ka sa upuan?"

Oo, nakahiga siya sa upuan, kaharap ang puting kisame ng kanyang opisina. No big deal. Nico, despite of his upside-down perspective, glared at him, "Sinong nagbigay sa'yo ng karapatang pumasok sa opisina ko? I can sue you for trespassing, Dan." Inalis niya sa pagkakapatong sa sandalan ang kanyang mga binti at umayos ng upo.

Nagkibit lang ng balikat ang kapwa detective, "Sabi ko na nga ba't sasabihin mo 'yan! Heto, peace offering ko. 'Wag mo na akong kasuhan." Sabay patong nito ng kape sa harapan ng kausap. Nico smirked and grabbed the cup of beloved caffeine.

"Fine."

Lumawak ang ngiti ni Dan at naupo sa katapat niyang silya. Nagsimula na itong dumaldal tungkol sa mga kaganapan kagabi sa party ng kasamahan nilang si Sasha. All the while, Nico blocked his voice while leisurely taking a sip out of the delicious cup of coffee. 'Hindi ba nauubusan ng sasabihin ang isang 'to? Dapat yata mailagay na sa Guinness' Book of World Records na ang pangalan ni Dan.'

Nakalahati na ni Nico ang kanyang kape nang mag-iba ng topic si Dan, "Ang swerte mo nga't interesante ang kaso mo! I had to endure handling a boring robbery case yesterday. Gusto ko sana may mga bangkay para mas exciting!"

Ngumisi si Nico. Siguro nga nababaliw na silang mga detectives. Is it still humane to find devastating cases a source of entertainment? "At ano naman ang gagawin mo kung makahanap ka nga ng bangkay?"

Dan puffed out his chest, "Aba, eh 'di gagamitin ko ang detective skills ko para makagawa agad ng criminal profile! I'll look for things like bruises, wounds, dirt under the victim's nails, livor mortis---"

"Alam mo ba kung ano ang livor mortis?"

Sa kauna-unahang pagkakataon mula nang pumasok ito sa opisina ni Nico, huminto sa pagsasalita si Dan. He nervously smiled, halatang hindi rin sigurado sa isasagot, "'Yong parang mga pasa sa katawan, tama ba? Basta parang ganoon!"

Sumandal sa kanyang upuan si Nico. Mukhang magiging part-time teacher pa siya sa mga ito. Tsk.

"Ang suggillation o mas kilala bilang 'livor mortis' ay kasama sa apat na signs ng death. Kung ita-translate natin mula sa Latin, ang 'livor mortis' ay nangangahulugang 'bluish color of death'. Kung titingnan mo ito sa isang bangkay, para siyang mga pasa o pag-iibang kulay sa isang partikular na bahagi ng katawan. Nangyayari ang livor mortis kapag ang dugo ng tao ay nagse-settle o bumababa sa katawan ng patay. When a person dies, since there is no more blood circulation, his blood tends to be pulled down by gravity. As a result, the skin around that area is discolored, having a bluish purple color."

"Ah! Kaya ba sa pinaka-ibabang part ng katawan nakikita ang livor mortis? Parang tumitining 'yong dugo!" Pagtatanong ni Dan na parang isang bata.

Nico nodded, "Oo. Livor mortis happens 20 to 30 minutes after a person's death, pero nakikita lang natin ang mga marka nito after two hours. Sa ating mga detectives, malaking tulong ang livor mortis sa pag-alam kung paanong posisyon namatay ang biktima. Halimbawa, kung ang biktima ay namatay nang nakahiga, matatagpuan natin ang livor mortis sa likod, likurang bahagi ng mga hita, at binti niya---kung saan lumapat sa lupa ang katawan niya. Kung nakabigti naman ang biktima natin, makikita natin ang livor mortis sa paa."

That's basically the rule of livor mortis---kung anong bahagi ng katawan ng bangkay ang nakalapat sa lupa o mas malapit sa lupa, doon mo siya makikita. Gravity acts as its determining force. Minsan mahuhulaan ng isang detective kung anong posisyon namatay ang biktima base sa kung saan makikita ang bakas ng livor mortis niya sa katawan.

Tumango-tango si Dan, halatang namangha. "Ang galing mo talaga, Yuki! Kaya idol kita eh."

"'Wag mo akong tawaging 'Yuki'."

"Sige, 'idol' na lang!"

"Ayoko. Hindi ako cheesedog."

Natawa si Dan at nagsimula na ulit dumaldal.

Napabuntong-hininga na lang si Nico at sinimulang ayusin ang mga papeles na pinapagawa sa kanya ng pinakamamahal niyang tiyuhin, ang CEO ng kompanya nila. 'Bakit ba ako ang lagi niyang inaabala?'

Sa mga sandaling 'yon, biglang tumunog ang cellphone niya. Napasimangot siya sa caller ID. Mukhang kailangan na naman sila ni Inspector Ortega.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon