Capitulum 33

2.4K 150 5
                                    

DEATH's headquarters, Eastwood
3:08 p.m.

"Yuki! Kamusta ka na?! Alam mo, kagagaling ko lang sa ospital, tapos nakita ko 'yong dalawang chicks sa party ni Sasha, sina Feralda at Minne---!"

Bago pa man matapos ni Dan ang kanyang sasabihin, mabilis na isinara ni Nico ang pinto ng kanyang opisina. He can still hear Dan's faint voice from outside, blabbering about unimportant things. Napabuntong-hininga na lang ang binatang detective. "How could he talk faster than a high speed train?"

Hindi na talaga siya magtataka kung mabibilaukan si Dan sa kanyang pagsasalita. This own words would choke him, and that isn't a very noble cause of death for a detective. Nico made a mental note to investigate whether it was possible or not. 'For now, I need to sort out some things.'

Pero pagkaupo niya sa kaniyang swivel chair, agad siyang binulabog ng kanyang ringtone. Nico sighed and grabbed his phone, not bothering to check the caller ID. Kilala na niya kung sino ito. Para saan pa't naging detective siya?

"Uncle X," walang-ganang sagot ni Nico sa tawag.

"Nagpalit ako ng number. How did you know it was me?"

"Lucky guess. And no, I don't need to be a detective to figure that out. Ikaw lang naman ang laging nangungulit sa'kin nitong mga nakaraang araw," bored niyang ipinatong sa mesa ang kanyang mga paa at sumandal sa inuupuan. 'Great, now I have to deal with my control-freak uncle.'

The man on the other line chuckled. "Quite typical of you. Tapusin mo nang ayusin ang paperwork na binigay ko sa'yo. Noong nakaraang linggo pa 'yan ah."

"May ebidensiya ka bang hindi ko pa rin tapos ayusin ang gawain ko, uncle?"

A sigh. "Nico Yukishito, uncle mo ako. I know for a fact that my nephew is the most disorganized and lazy creature in this goddamn side of the planet."

"That's not true."

"It is. Ipupusta ko ang kompanya ko, nakakalat na naman ang mga dokumento sa sahig ng opisina mo."

Ngumisi ang detective at hinagis ang ilang folders na nakapatong sa desk niya. The boring paperwork fell on the floor along with the others. 'I hate paperwork. I'm a detective! They should put me on the field more often.' Mas gusto niyang mag-24/7 sa mga crime scenes at mag-hunting ng serial killers kaysa intindihin ang mga papeles ng DEATH.

"Nico," his uncle said in a warning tone.

Nico's smirk never left, "Maybe, maybe not."

Napabuntong-hininga na naman si Xavier Alcantara. He could almost imagine his uncle's frustrated expression, "Nico, kailangan mo nang maging responsable sa mga ganitong bagay. There are other things beyond being a detective. Ni hindi ka pa nga nagkaka-girlfriend!"

"Uncle X, I'm only 22. Hindi naman yata requirement ang magkaroon ng kalandian. Besides, being a detective is my passion. I love this job more than I love coffee."

Matagal bago nakapagsalita ang tiyuhin niya. Ramdam niyang may bumabagabag sa kanya. "Pero paano kung..."

"Kung?"

"Wala. Tapusin mo na 'yang pinapagawa ko sa'yo. I need it by tomorrow."

Napasimangot si Nico at sinimulang gawing origami ang mga dokumentong nasa harapan niya. He can do this one-handed. "Kailan ba ang uwi mo dito sa Pinas?" He absent-mindedly asked while admiring the paper bird.

"Hindi mo na kailangang alamin."

Iyon lang ang sagot ng CEO ng DEATH bago tuluyang pinatay ang tawag. Nico's eyebrows furrowed at his response. Sa pagkakaalam niya, nasa Bahamas ang tiyuhin niya. May inaasikasong kung ano. 'Kung ganoon...'

"Bakit local number ang gamit niya?" Bulong ni Nico habang nakatitig sa call log. Isang local number nga ang gamit ng tiyuhin niya. But just when he was about to use his detective skills again, a knock on the door caught his attention. Naiiritang nilapitan ni Nico ang pinto.

"Dan, if you're gonna talk about nonsense again and----"

Nico stopped and breathe out a sigh of relieve when Dr. Jimenez smiled at him. Bahagya pa itong natawa, "Ginugulo ka na naman ba ni Dan? Mukhang stressed ka ngayon ah."

Bumalik sa kanyang desk si Nico at sumandal doon. Dr. Jimenez followed and sat in front of him, placing another set of folders on his table. Napasimangot ang nakatatanda nang makita ang kalat sa sahig. "Your uncle asked me to check-up on you, pero mukhang wala ka pa ring planong tapusin ang paperwork mo. Very typical of you, Nico."

Ipinikit ni Nico ang kanyang mga mata. Sumasakit na naman ang ulo niya sa mga nangyayari ngayon. Sumasabay pa ang tiyuhin niyang bigla na lang inilagay sa kanyang mga balikat ang responsibilidad nito bilang CEO. Ni hindi nito sinabi kung anong pinagkakaabalahan niya sa ibang bansa.

"I can't understand why he trusts me so much. Kung ang apartment ko nga, hindi ko inaayos, paano pa kaya ang kompanya? Damn Sherlock. This is giving me a headache."

Nico hates it when people expects so much from him. Lalo na sa mga bagay na hindi naman niya "forte" kumbaga. He was born for crime scene investigations, criminal profiling, and chasing down killers---not for paperwork, office supplies, and boring business matters!

Huminga nang malalim si Dr. Eugene Jimenez. Kalaunan, ngumiti ito sa kanya at nagsalita, "Your uncle is an unusual man, just like you. You are both different, but that doesn't mean that you are not unique in your own ways. Pamangkin ka niya, kaya't malaki ang tiwala niya sa'yo. Aside from that, you're our top detective. If you can't handle a little paperwork, how can you handle big serial killing cases?" Pagkatapos nitong magsalita, Dr. Jimenez took a gulp from his water bottle.

'Palagi siyang may baong tubig.'

Kung pwede nga lang, palagi rin sanang may dalang kape si Nico para pakalmahin ang sarili, but of course that's just impossible. No matter how much he loves coffee.

"Salamat, doc."

Tumango si Dr. Jimenez, "Kamusta na pala ang kasong hinahawakan mo? Or rather, kamusta ang ka-partner mo?"

Nico didn't miss that teasing tone in his voice. 'Noon, si Scorpio ang nang-aasar. Ngayon naman, si Dr. Jimenez? Sherlock! What is wrong with these people?!' Huminga nang malalim si Nico. He waved a hand dismissively, "My partner is as complicated as the case itself. Parehong mahirap lutasin."

Natawa ang doktor, "But you love puzzles, don't you?"

"Nah. I depends on what pieces I have," Detective Nico Yukishito started making origamis again, "and I have to admit, the Heartless Killer case is getting on my nerves. It's like having a jigsaw puzzle with a thousand pieces scattered in front of you. Masyadong maraming posibilidad. Ni hindi pa nga namin alam kung si Cassio Salvador nga ang pumapatay o isa itong copycat crime at may gusto lang magpasikat."

Then again, naroon pa rin ang ilang misteryo sa kung ano ang motibo ng serial killer at kung paano siya nakapagtatago ng ebidensiya sa mga awtoridad.

This is one difficult case.

'Though, of course, there are more brutal killers. And now that I remember it, a similar serial killer does the same...ripping out the hearts.'

Mikhail Popkov, o mas kilala bilang "The Werewolf". Isang Russian serial killer at rapist na pumatay ng dose-dosenang mga kababaihan sa pagitan ng mga taong 1992 at 2010 sa Siberia. He admited killing 22 women. Karamihan sa mga biniktima niya at "decapitated" o tinanggalan ng mga parte ng katawan. Tinanggalan niya ng puso ang isa sa mga naging biktima niya.

Natagpuan ng mga awtoridad ang katawan ng kanyang mga bikima, hubo't hubad at basta-basta na lang itinapon sa gubat, gilid ng kalsada, at sementeryo.

Noong 2012, inamin niya sa mga pulis na ginawa niya ang mga krimeng ito para "alisin" ang mga prostitutes sa kanilang bayan.

Ang hinala ng ilan, ginawa ito ni Popkov para makaganti sa kanyang asawang nangangaliwa.

"If we don't catch the Heartless Killer fast, who knows when we'll find another dead body?" Nico murmured and ripped the wings of his origami bird.

---

✔ 01 | Crime Of Passion [Published Under PSICOM]Where stories live. Discover now